Guro na nakatira na lamang sa kotse binigyan ng $27,000 ng mga dating estudyante

  • Isang 77 taong gulang na dating substitute teacher sa California, USA ang nakatanggap ng ‘di-inaasahang birthday gift mula sa kaniyang mga dating estudyante
  • Dahil sa kanilang pagtutulungan, nabigyan nila ng $27,000 ang dating guro, na nagkabaon-baon pala sa utang
  • Sa kaniyang kotse na lamang daw natutulog ang kaawa-awang guro, na nagbitiw sa trabaho dahil sa pandemya

Sinasabing ang pinakadakilang propesyon sa buong mundo ay ang pagiging guro. Lahat ng uri ng propesyon ay dumaraan sa kanilang mapagpalang kamay, na humuhulma sa kaisipan at pagkatao ng mga estudyante sa paaralan, na magagamit nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa takdang panahon, maibabalik din ng mga estudyante ang mga pagsasakripisyo nila sa pamamagitan ng pagiging mabuting tao at mamamayan.

Subalit sa Fontana, California, USA, literal na sukli ang ibinigay ng mga dating estudyante ng isang dating substitute teacher na 77 taong gulang na , matapos nilang bigyan ito ng $27,000, o may katumbas na 1.3 milyong piso.

Image capture mula sa YouTube channel ng Fox 11 Los Angeles

Ayon sa ulat ng Fox 11 Los Angeles, ang dating substitute teacher na si Jose Villarruel, o mas kilala sa tawag na “Mr. V” ng kaniyang mga mag-aaral, ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan noong Huwebes,  Marso 12. Isa sa mga naging estudyante niya na nagngangalang Steven Nava ang nagdaos ng simpleng pagdiriwang para sa kaniya.

Naninirahan na lamang daw ang naturang guro sa kaniyang kotse, kaya nagtulungan ang kaniyang mga dating estudyante upang makapag-raise ng malaking halaga para maipagkaloob sa kaniya bilang birthday gift. Ito ay nagsilbing pasasalamat na rin nila sa guro, na naging substitute teacher sa loob ng ilang dekada.

Noong 2020, nagbitiw sa pagtuturo si Mr. V dahil sa distance learning; dulot na rin ng pandemya.

“I decided the school situation has changed completely and I believed that a job of a substitute was over. In May, I submitted my resignation. I managed to do all of the paperwork, all of the arrangements to get my pension. I got my check, but that check didn’t last long because I had debts already,” paliwanag niya.

Image capture mula sa YouTube channel ng Fox 11 Los Angeles

Dahil nagkabaon-baon sa utang, pinili na lamang niyang manirahan sa loob ng kaniyang kotse.

“My body has been adapted to all of the bumps and things from the seat. It serves me as transportation, serves as a dining room, and serves as a bedroom,” saad niya.

Samantala, panoorin ang ulat ng Fox 11 Los Angeles tungkol dito via YouTube channel:

Loading…