Happy ending: Mga sanggol sa baby switching case sa Rizal naibalik na sa kanilang mga tunay na magulang

Screenshot mula sa KMJS video
  • Nagkaroon ng happy ending ang kaso ng baby switching sa Rizal
  • Batay sa resulta ng confirmatory DNA test ay nagkapalit nga ng mga anak ang mag-asawang Marvin at Aphril at Kim Jasper at Margareth
  • Sinabi ng DOH na iyon ang unang baby switching na naidokumento sa Pilipinas

Nagkaroon ng happy ending ang kaso ng baby switching sa Rodriguez, Rizal nang lumabas sa resulta ng confirmatory DNA test na nagkapalitan nga ng anak ang mag-asawang Marvin at Aphril Sifiata at Kim Jasper at Margareth Mulleno.

Screenshot mula sa KMJS video

Matapos ang isang buwan ng makapigil-hiningang paghihintay ay napatunayang tama ang hinala ng mag-asawang Marvin at Aphril na hindi nila anak ang ibinigay sa kanila ng HVill Hospital.

Maaalalang ang mag-asawa ang humingi ng tulong sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na isailalim sila sa DNA test at ang sanggol na hawak nila dahil may katibayan sila na hindi nila anak ang nasa kanila.

Nakunan nila ng larawan ang sanggol nang isilang ito kaya nagulat sila na iba ang itsura ng baby na ibinigay sa kanila. Mali rin ang tag na nakalagay sa sanggol, pero iginiit ng ospital na walang pagkakamaling naganap.

Ang mag-asawang Kim Jasper at Margareth naman ay kampante na anak nila ang sanggol na nasa pangangalaga nila. Pero nang magnegatibo ang DNA test result ni Aphril at baby ay pumayag na rin silang magpa-DNA test, na nagresulta rin sa negatibo.

Screenshot mula sa KMJS video

Matapos nga ang isang buwang paghihintay ay lumabas na ang katotohanan. Nagkapalitan sila ng mga anak.

Ayon kay Kim Jasper ay sinsero naman na humingi ng paumanhin ang HVill Hospital at binigyan sila ng full refund sa ginastos sa panganganak ng asawa kaya tinanggap na nila iyon.

Itutuloy pa rin ng dalawang pamilya ang pagsasampa ng kaso sa HVill Hospital upang maging isang aral na rin iyon para hindi na muling maulit ang pangyayari. Sinabi ng DOH na iyon ang unang baby switching na nai-dokumento sa bansa.

Screenshot mula sa KMJS video

 

 

Loading…