Harry Roque positibo sa COVID-19, nanghinayang na hindi pa siya nagpabakuna ng Sinovac sa PGH

Screenshot mula sa RTVM video
  • Nagpositibo sa COVID-19 si Harry Roque
  • Hinimok niya ang mga taong nagkaroon sa kanya ng close contact na mag-quarantine
  • Sinabi niya na noong huli niyang nakahalubilo si Pangulong Duterte ay negatibo pa siya sa virus

Isiniwalat ng Presidential Spokesperson na si Harry Roque nitong Lunes, March 15, na positibo siya sa COVID-19.

Imahe mula sa PCOO

“Positibo po ako para sa COVID-19. Nag-test po ako kahapon lamang dahil sa pagpupulong kay Presidente mamaya, at ngayon po lumabas na positibo,” pahayag ni Sec. Roque sa virtual press briefing.

Hinimok niya ang mga taong nagkaroon sa kanya ng close contact na mag-quarantine.

“Sa akin pong close contact, kinakailangan ninyo po mag-quarantine,” sabi niya.

Aniya, huli niyang nakasama si Pangulong Rodrigo Duterte noong March 11 kung saan nagnegatibo ang swab test result niya isang araw bago ang meeting nila. Nakadistansya rin daw siya sa Pangulo.

Asymptomatic naman daw siya kaya patuloy pa rin daw siyang gaganap sa mga tungkulin habang nasa isolation facility.

Ayon kay Sec. Roque, simula  nang maging tagapagsalita siya ng Pangulo noong April 2020 ay naka-35 na siyang COVID-19 tests kaya nagulat daw siya na nagpositibo siya ngayon sa coronavirus.

“That is why it came as a surprise and a shock. This has been a routine in preparation for meeting with the President. I’m negative and always have been negative for the past year, but exactly one year after ECQ (enhanced community quarantine), COVID-19 got me,” aniya.

Imahe mula kay Harry Roque

Iginiit niiya na halos wala naman siyang close contact noong March 14 nang  ginawa ang huling swab test at habang hinihintay ang resulta.

“I do not have much exposure because I have been to the office. My routine is that I am alone in my office reading my briefing papers and reading all the papers, so  I almost did not come in contact with anyone in the office. Right now, I’m alone in my office, that is why I am having problems with connectivity natin because no one is assisting me inside the room,” wika ni Roque.

Ang asawa niya ay sumailalim na rin daw sa swab test at kung sakaling magnegatibo ang misis ay  magpapa-quarantine din siya.

Nanghinayang nga raw siya na hindi pa nakapagpabakuna sa PGH nang dumating doon ang Sinovac noong March 1.

Imahe mula sa PCOO
Source :

GMA , Inquirer

Loading…