Hinaing ng doktor na 3 buwang walang sahod at piso na lang ang laman ng ATM, umantig sa netizens

Imahe mula sa Facebook/ Baby Aquino
  • Isang PGH doktor ang nagbahagi na tatlong buwan na raw silang hindi sumasahod
  • Hindi man lang daw siya makatulong ngayon sa kaniyang sariling pamilya
  • Umantig naman sa mga netizens ang sitwasyong ito ng ating mga frontliners

Umani ng simpatya sa social media ang post ng isang doktor sa Philippine General Hospital (PGH) na tatlong buwan nang walang sahod.

Bukod dito, ayon sa doktor, nang tingnan niya ang balance ng kaniyang ATM account ay said na said na ito at piso na lang daw ang natitira.

Ang screen shot ng naturang Twitter post ay ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Baby Aquino.

Mababasa sa Twitter post ng doktor na mayroong Twitter handle na @kmivn ang diumano’y naging usapan nila ng kaniyang nanay.

Screenshot mula sa Facebook/ Baby Aquino

Nag-message raw siya sa kaniyang ina, “Ma, bukas magstock kayo kahit kaunti jan para sa ECQ.”

Sagot naman daw sa kaniya ay, “Wala pang sahod ang papa mo.”

“Me, a doctor in PGH ( a central COVID referral facility) looks into my salary ATM with 1 peso balance,” dagdag pa ng Twitter user.

Sa comment section ay ibinahagi rin ng doktor na tatlong buwan na siyang hindi nakatatanggap ng suweldo.

Imahe mula sa Facebook/ Baby Aquino

“Yup. 3 months working in the hospital wala pa rin kaming sahod hehe. So tingin ng mga ta opera pera lang to para sa aming mga doktor? Kung samin lang talaga napupunta ano? Baka mag overtime pa kami sa trabaho lol,” kuwento ni @kmivn.

“Hay, I can’t even help feed my own family especially now na ECQ na,” paghihimutok pa ng doktor.

Umantig naman ito sa damdamin ng ilang netizens. Ayon sa caption ng post ni Baby Aquino, “OMG…doctor na yan, how much more kung ordinaryong Pilipino? Baka kahit singkong duling walang makutkot.”

Screenshot mula sa Facebook/ Baby Aquino

Ayon sa isang commenter, nakaka-relate sila kay doc: “’Yun pamilyang need magtrabaho para may pantustos sa araw-araw.Then nag ECQ wala pang sahod pano na kaming ordinaryong pamilyang walang trabaho walang sahod…kasaklap naman ng buhay ng nasa laylayan.”

“Totoo po yan at hindi din ganun kalaki sahod ng nurse dto sa Pinas Nasa range ng 16-20k private hosp. Public medyo mataas pero mas madame trabaho,” dagdag naman ng isa pa.

Sang-ayon naman ang karamihan na nakabababa ng morale ang ganitong pangyayari kaya dapat daw ay pagtuunan din talaga ng pansin ang ating mga health workers at medical frontliners.

Source :

Facebook

Loading…