IATF kumambyo sa pagbabawal sa religious gatherings ngayong Semana Santa

Imahe mula sa PNA
  • Kumambiyo ang IATF sa naunang inilabas na patakaran nito para sa religious gatherings
  • Pumayag na ang task force sa once-a-day na pagtitipon simula Huwebes Santo
  • Ito ay upang pagbigyan umano ang kahilingan ng CBCP

Binawi ng IATF ang naunang inilabas nitong panuntunan na nagbabawal sa lahat ng uri ng religious gatherings lalo na ngayong Semana Santa upang makontrol ang pagdami ng nahahawaan ng COVID.

Kasunod ito ng ipinatupad na general community quarantine (GCQ) bubble sa Metro Manila at karatig-probinsiya simula noong Lunes, Marso 22, at magtatagal hanggang April 4.

Sa regular press briefing nitong Biyernes, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pumayag na ang IATF sa once-a-day religious gathering simula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay

.

“Mabuting balita po para sa mga gustong magsimba ngayong Semana Santa. Pinayagan po ng inyong IATF ang once a day religious gatherings mula a-uno hanggang a-kuwatro ng Abril,” ani Roque.

Subalit kinakailangang sundin umano ng lahat ng mga religious denominations, kabilang na ang Simbahang Katolika, ang ilang panuntunan maliban sa dati nang nakagawian na health protocols.

Kabilang na rito ang 10 porsiyentong venue capacity lamang, at ang pagbabawal sa mga pagtitipon-tipon o pagsasagawa ng religious activities sa labas ng simbahan.

Quiapo Church| Imahe mula sa ABS-CBN News

Hindi rin papayagan ang paggamit ng mga audio/video system sa labas habang may misa o worship service upang maiwasan ang umpukan ng mga tao.

Dapat ay limitahan din umano ang live singing at kung maaari ay recorded singing na lamang. Bukod dito, hinihikayat din ang lahat na dumalo sa mga katulad na pagtitipon sa pamamagitan ng online platform na lamang.

Magugunitang umalma ang Manila archdiocese sa naunang panuntunan ng IATF dahil labag raw ito sa religious freedom ng mga tao bukod pa sa salungat sa prinsipyong ‘separation of the Church and the state’.

BASAHIN: Manila archdiocese inalmahan ang ban sa religious gatherings; labag umano sa religious freedom

Bishop Pabillo, Manila Archdocese| Imahe mula sa PNA

Dahil dito naglabas ng pastoral letter ang archdiocese para sa Semana Santa kung saan nasasaad dito na bagama’t walang aktibidad tulad ng senakulo, pabasa, processions, motorcades, at visita iglesia sa loob ng simbahan, magsasagawa pa rin umano sila ng religious worship sa loob pero oobserbahan ang 10% maximum venue capacity.

Ayon naman kay Roque, ang pagbabago sa panuntunan ng IATF ay bilang sagot sa kahilingan umano ng Catholics Bishop Conference of the Philippines (CBCP).

Loading…