Ina nanganganib mawalan ng paningin matapos masiko ng 3 anyos na anak ang isang mata

Screenshot mula sa GMA video
  • Kanang mata ng isang ginang sa Tarlac hindi sinasadyang nasiko ng paslit na anak
  • Namaga at lumabo ang mata dahil sa tama ng siko
  • Posibleng mawalan ng paningin ang kanang mata kung hindi maooperahan
  • Nanawagan ng tulong sa mga may mabubuting kalooban ang ginang upang maisagawa ang operasyon

Kung hindi maaagapan ay posibleng mawalan ng paningin ang kanang mata ng isang bente dos anyos na ginang mula sa Barangay Banaoang sa Moncada, Tarlac.

Screenshot mula sa GMA video

Namaga at lumobo kasi ang kanyang kanang mata nang hindi sinasadyang nasiko iyon ng kanyang tatlong taong gulang na anak dahilan para lumabo ang kanyang paningin.

Masakit at mahirap daw imulat ang kanang mata niya.

“’Pag gising ko masakit saka mahirap imulat. Tapos parang natatakpan ‘yung pinaka-black ng mata, natatakpan ng parang laman,” kuwento ni Ginang de Rama.

Agad naman siyang nagpakonsulta sa isang opthalmologist at sumailalim sa isang angiogram procedure. Doon nakita ang sanhi ng paglabo ng kanyang paningin. Batay sa resulta ng angiogram test ay nagkaroon ng abnormal connection ang mga ugat niya sa mata dahil sa pagtama ng siko ng kanyang anak.

Ayon sa opthalmologist lubhang sensitibo ang ating mga mata at delikado na masagi ang mga ito.

“Blunt ‘yan eh. Para ka na ring sinuntok lalo na kung hindi nakontrol ng bata ‘yung siko niya. Maraming patutunguhan ‘yan, puwedeng magkaroon siya ng pagdurugo, ” sabi ng opthalmologist na si Dr. Monique Posadas.

Kailangan umanong maoperahan agad ang mga mata ng ginang upang hindi tuluyang mauwi sa pagkabulag.

Screenshot mula sa GMA video

Bunsod ng kakapusan sa pinansyal na kakayahan ay nanawagan si Ginang De Rama ng tulong sa mga taong may mabubuting kalooban upang maisagawa ang kinakailangang operasyon.

“Humihingi po ako sa inyo ng tulong sana matulungan n’yo po ako kasi hindi po namin kayang ipagamot ang mata ko,” panawagan niya.

Source :

GMA , YouTube

Loading…