Indefinite closure ng Skyway 3 simula 5PM ng March 16 na inanunsyo ng SMC hindi na matutuloy

Imahe mula sa SMC
  • Binawi ni SMC president and COO Ramon S. Ang ang naunang pahayag ng SOMCO ng SMC na magkakaroon ng indefinite closure ang Skyway Stage 3 simula 5 p.m. ng March 16
  • Nakausap umano ni Ang si DOTr Sec. Tugade at ito na raw ang bahala sa TRB na siya umanong naglabas ng direktiba para isara ang Skyway 3
  • Itinanggi naman ng TRB na naglabas ito ng direktiba na ipasara ang Skyway Stage 3

Sa isang Twitter post noong Lunes, March 15, inanunsyo ng Skyway O&M Corporation (Skyway Operations and Management Corporation o SOMCO) ng San Miguel Corporation (SMC) na simula alas-singko ng hapon ng March 16, 2021 ay isasara ang Skyway 3 bilang pagsunod sa direktiba ng Toll Regulatory Board (TRB).

Screenshot ng SOMCO Announcement

“Announcement: In accordance with the Toll Regulatory Board (TRB) directive, the Skyway Stage 3 will be closed indefinitely starting 16 March 2021 at 5 PM. As per TRB directive, the Skyway Stage 3 will be reopened when all ramps are completed. Apologies for the inconvenience. SMC infrastructure has no choice but to comply,” saad ng announcement ng Skyway SOMCO sa Twitter.

Pero bago dumating ang itinakdang oras ng indefinite closure ay naglabas ng pahayag si Ramon S. Ang, ang presidente at chief operating officer ng SMC, na walang closure na mangyayari.

Sa isang text message, sinabi ni Ang na nakausap daw niya si Secretary Art Tugade ng Department of Transportaion at ang kalihim na raw ang bahala sa TRB.

“Yes I have just talked to Sec. Tugade. He will take care of TTB,” ani Ang.

“Yes, no closure,” ang sagot niya sa tanong kung hindi na ba matutuloy ang nakatakdang indefinite closure ng Skyway Stage 3.

Imahe mula sa SMC

Samantala, itinanggi naman ng TRB na naglabas ito ng direktiba na ipasara ang Skyway Stage 3.

“This is to inform the public that the Toll Regulatory Board did not issue a decision or directive ordering the indefinite closure of the Skyway Stage 3 starting 5 p.m. of 16 March 2021,” pahayag ng ahensya.

“We never issued any directive for any closure. I think that matter is now set aside and resolved so our motorists can enjoy Skyway Stage 3,” sabi ni TRB spokesperson Julius Corpuz sa isang panayam.

Sinabi raw sa kanila ng SMC na matatapos nito ang lahat ng mga ramps na mas maaga kaysa sa inaasahan.

Imahe mula kay DPWH Sec. Mark Villar

Loading…