Inulan ng blessings! Barbie Forteza itinuturing na ‘Lucky charm’ si Jak Roberto

Image by Barbie Forteza via Instagram
  • Barbie Forteza, itinuturing na lucky charm si Jak Roberto
  • Mula aniya nang magkarelasyon sila ay bumuhos ang blessings sa kanya
  • Barbie: “Parang medyo dumami ‘yung inquiries, dumami ‘yung work, kaya talagang nakakatuwa”

Malaki ang pasasalamat ngayon ni GMA Primetime Princess Barbie Forteza sapagkat sunud-sunod ang mga blessings sa kanyang personal life at career.

Image by Barbie Forteza via Instagram

Aniya, itinuturing niyang “lucky charm” sa mga natatamasang ito ang boyfriend na si Pambansang Abs Jak Roberto yamang mula raw nang maging magkarelasyon sila ay bumuhos ang blessings.

Pahayag ni Barbie sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras kamakailan, “Feeling ko siya yung lucky charm ko kasi parang ever since naging kami, parang nagtuloy-tuloy din talaga ‘yung magagandang opportunities ko. Parang medyo dumami yung inquiries, dumami ‘yung work, kaya talagang nakakatuwa.”

“Hindi lang sa akin. Kahit sa kanya. Busy na rin siya ngayon, kaya ang saya lang, very thankful sa lahat ng blessings,” saad pa niya.

Sa kasalukuyan ay bida si Barbie Forteza sa GMA Primetime show na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday kasama sina Kate Valdez at Migo Adecer. Nalulungkot umano siya yamang malapit nang magwakas ang serye.

“Nakakalungkot na matatapos na siya kasi gano’n na kalaki at karami yung pinagsamahan namin sa show. Not just the cast pero pati yung mga staff, talagang parang naging pamilya.”

Magwawakas man ito, napapanood pa rin si Barbie sa noontime variety show na All Out Sundays at mapapanood sa bagong season ng drama anthology na I Can See You.

Matatandaang taong 2017 nang kumpirmahin nina Jak at Barbie ang kanilang relasyon.

<iframe width=”560″ height=”315″ src=”https://www.youtube.com/embed/hEWj6KdgvEo” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>

BASAHIN: Barbie naiyak makaraang ‘makalimutan’ ni Jak ang birthday niya

Samantala, palaging marami ang views ng mga vlogs nina Barbie at Jak sa YouTube na kinabibilangan ng trending birthday prank ng boyfriend sa kanyang girlfriend noong nakaraang taon.

Dito, nagpanggap si Jak na hindi naalala ang kaarawan ni Barbie kung saan medyo nagsusungit-sungit ang aktres dahil dito. Naging emosyonal si Barbie nang nalamang prank ang lahat at kinantahan na siya ni Jak, binigay ang regalo at isang pumpon ng pulang rosas.

Image capture of video by Jak Roberto via YouTube

Loading…