Kalangitan ng Beijing nanilaw dahil sa pinakamalalang sandstorm ng dekada

Screenshot mula sa SCMP video
  • Tinamaan ng pinakamalalang sandstorm ng dekada ang capital city ng China na Beijing
  • Nanilaw ang kalangitan ng siyudad dahil sa kapal ng alikabok at buhangin sa ere
  • Gumagawa ang China ng natural barrier kontra sa sandstorm sa pamamagitan ng pagtatanim ng maraming puno na tinawag nilang “great green wall”

Nabalutan  ng yellow smog ang Beijing, ang capital ng China,  kasunod ng pinakamalaking sandstorm mula sa Gobi Desert na nangyari ngayong dekada.

Screenshot mula sa SCMP video

Napilitang magsuot ng mga goggles, face mask at hairnet ang mga mamamayan upang maproteksyunan ang mga sarili mula sa nakasasakal na mga alikabok at buhangin. Ang iconic na Forbidden City ay halos hindi na maaninag dahil sa kapal ng alikabok sa hangin.

Inutusan ng city government ng Beijing ang mga paaralan na ikansela ang mga outdoor sports ng mga ito at inabisuhan ang publiko na hangga’t maaari ay manatili sa loob ng mga gusali. Daan-daang flights din ang nakansela dahil sa pangyayari.

Maraming mga mamamayan ang nagsabing nahihirapan silang huminga dahil sa kapal ng alikabok at buhangin.

“I feel every breath will give me lung problems,” ayon sa isang residente.

Mistulang end of the world na nga raw ang naging itsura ng siyudad.

“It looks like the end of the world. In this kind of weather I really, really don’t want to be outside,” sabi ng isa pang residente.

Imahe mula sa SCMP

Ang tanging pag-asa umano nila upang hindi na maulit ang ganoong pangyayari ay ang ginagawang natural barrier laban sa sandstorm sa pamamagitan ng malawakang pagtatanim ng mga puno sa mga nakalbo nang  kagubatan. Tinatawag nila ang proyekto na “great green wall.”

Dahil sa mga reforestation projects na isinasagawa sa China, hindi nila inaasahan ang malaking sandstorm na iyon.

Ang pagiging epektibo ng reforestation projects  ay kwestyonable raw dahil sa nangyayaring desertification sa bahaging northwest ng bansa sanhi  ng kakulangan sa ulan at snow.

Screenshot mula sa SCMP video

Loading…