Kamukha ni Mayor Vico Sotto mula sa Bulacan pinag-usapan

  • Marami ang nakapansing kamukha ng isang lalaki sa Pulilan, Bulacan si Pasig City Mayor Vico Sotto
  • Ang lalaking ito ay 18 taong gulang lamang at nag-aaral pa sa Senior High School
  • Bukod sa pag-aaral, nagbabanat din siya ng buto upang makatulong sa sarili at sa pamilya

Isa sa mga hinahangaan ngayong opisyal at lider sa lokal na pamahalaan ay si Pasig City Mayor Vico Sotto na kamakailan lamang ay nakatanggap ng parangal mula sa U.S, Department of State dahil sa pagkakapili sa kaniya bilang isa sa mga 12 global anti-corruption champions dahil sa kaniyang transparency.

Kaya naman napapa-sana all na lamang ang ibang mga residente mula sa iba’t ibang bayan at lungsod, at nagsasabing “pahiram” muna kahit isang buwan lamang ang mahusay na punong-bayan ng Pasig. Subalit tila may “Mayor Vico” na rin ang Pulilan, Bulacan dahil may namataang isang lalaki roon na kahawig o may resemblance sa kaniya. Ang naturang lalaki ay si “Jhono Tayopon,” 18 taong gulang, at mag-aaral sa Senior High School.

Imahe mula sa Facebook account ni Jhono Tayopon

Maraming mga netizens ang nakapansin sa resemblance niya kay Mayor Vico matapos niyang mag-post ng kaniyang mga larawan sa Facebook group na “Alak Pinas.”

Natutuwa raw si Jhono na inihahambing ang kaniyang hitsura sa butihing mayor ng Pasig City. bagama’t siya ay isang mag-aaral sa Grade 12, siya ay nagtatrabaho rin bilang isang magsasaka. Ginagawa niya ito upang masuportahan ang pag-aaral at makatulong sa pamilya.

Sa hirap daw ng sitwasyon ngayon, kailangang mapamaraan at madiskarte upang hindi mapag-iwanan. Ayaw daw niyang umasa pa at dumagdag sa mga problema ng kaniyang mga magulang kaya pinili niyang magbanat ng buto habang nag-aaral.

He said, “Sa hirap ng buhay kailangan maging maparaan at madiskarte para di mapag-iwanan. At ayaw ko na rin po kasi umasa kay mama kasi kita ko ang paghihirap ng nanay namin na pag-aralin kami. Kaya we decided to work while studying para po kami na mismo mag-support sa pag-aaral namin.

Imahe mula sa Facebook account ni Jhono Tayopon / Public Domain Image

Ikaw, sa palagay mo ba ay magkamukha nga sila?

Loading…