Kim Chiu, malaki ang pasasalamat isang taon matapos ang pagtatangka sa kaniyang buhay

Imahe mula sa Instagram | Kim Chiu
  • Nagbalik-tanaw ang aktres na si Kim Chiu sa hindi magandang pangyayari sa kaniyang buhay isang taon na ang nakalilipas
  • Masaya raw si Kim na nakaligtas siya sa ambush
  • Dahil sa karanasang ito ay mas lalo raw tumitibay ang kaniyang pananampalataya

Isang taon matapos ang tangkang ambush sa aktres na si Kim Chiu ay malaki ang kaniyang pasasalamat sa biyaya ng buhay.

Imahe mula sa Instagram | Kim Chiu

Sa isang Instagram post ay sinabi ni Kim na mas naging matatag ang kaniyang pananampalataya matapos ang insidenteng iyon. “3.4.2020, the day that I almost lost it without knowing the reason why? I am truly saved by His grace. It has been a year. My faith grew stronger every day,” ani Kim.

“I woke up being extra grateful for this beautiful and colorful life He has given me.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Kim na nangyari sa kaniyang ang ambush na iyon ngunit nagpapasalamat na lamang siya dahil ligtas siya. “Lubos ang pasasalamat ko na nandito pa rin ako. I lift everything in your mighty name. Maraming salamat po,” dagdag pa ng It’s Showtime host.

Imahe mula sa Instagram | Kim Chiu

“Our faith in God and his control is measured by how courageous we are when we are put to different tests in life. Thank you, Father God. Salamat po,” pagtatapos ni Kim.

Sa kabila ng hindi magandang pangyayaring ito ay may ilan pa rin na nagsabing pineke raw ang ambush na ito. Mariin itong pinabulaanan ni Kim sa isang vlog.

“Kailangan ba talaga, may matamaan, may mamatay, merong masaktan para sabihin nyo na totoo yung nangyari? Dahil unang-una hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay ng kahit na sino para lang sa publicity. Buhay ‘yon ng mga taong nag-aalaga sa akin ng ilang taon. Ilalagay ko ba yung buhay nila sa delikado?” sabi niya pa noon.

Tinitingnang anggulo ng mga awtoridad ang mistaken identity sa insidenteng ito.

Loading…