Komento ni Marvin Agustin hinggil sa ipinatutupad na curfew kontra COVID-19 pinag-usapan

  • Nagkomento si Marvin Agustin hinggil sa curfew
  • Tila ba ‘night shift’ daw ang virus kaya sa gabi lamang dapat bantayan
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Hindi napigilan ng aktor at negosyanteng  si Marvin Agustin na ipahayag ang kaniyang komento hinggil sa pagpapatupad ng curfew sa National Capital Region bilang pagresponde sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19  sa bansa.

“Nalilito ako, may curfew sa gabi para daw makaiwas sa COVID-19, pero sa umaga ang daming tao sa labas. Ano ba ang virus NIGHT SHIFT?” saad ni Marvin sa kaniyang social media accounts, partikular sa Instagram at Twitter post.

Imahe mula sa Twitter account ni Marvin Agustin

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga katulad niya rin ang opinyon at obserbasyon.

“Oo nga. Bakit hindi na lang paspasan ang pagpapabakuna para lahat ay tiyak na may proteksyon na sa sakit?” saad ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Yes. Ang point niya dito is dapat binabantayan din ang umaga at hapon kasi mas marami rin hindi sumusunod sa protocols.”

“Nocturnal daw kasi ang COVID-19 kaya ganoon hahaha. Seriously, bukod sa curfew, dapat mag-isip din ng ibang mga paraan talaga kung paano ito malulunasan.,” wika naman ng isa.

Sa kabilang banda, may mga netizens naman na nagbigay ng kanilang palagay kung bakit curfew ang naisip na solusyon upang kahit paano ay mabawasan ang patuloy na paglobo ng mga kasong tinatamaan ng sakit.

“I think to minimize lang the risk. Minimize the possible exposure. Since kapag gabi it is better to stay at home if wala namang work. Isa pa, usually yung mga lumalabas kapag gabi, hangout/night out lang naman reason (except for those who work),” pahayag ng isa.

Imahe mula sa Twitter account ni Marvin Agustin

Turan naman ng isa, “Para ‘yan hindi kayo pumunta sa night clubs, drinking session, at kung ano-ano pang aktibidades na hindi WORK -RELATED. Pasaway rin kasi ang iba. Masyadong nagrelax na.”

“Matigas kasi ang ulo ng iba. Akala nila kapag gabi, wala nang bantay, kaya doon sila nananamantala ng kung ano-anong mga gawain, na dapat eh tinutulog na lang nila. Kapag umaga kasi, at least kahit paano, nasisita,” sabi naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Dahil gusto nilang limitahan ang paglabas ng tao nang hindi naaapektuhan yung ekonomiya. Instead na buong araw ipagbawal ang tao sa labas, ipinatupad na lang nila ang curfew sa gabi para hindi maapektuhan ang ekonomiya natin.”

Ang curfew hours na ipinatutupad sa NCR ay mula 10:00 PM hanggang 5:00 AM.

Source :

Twitter, Facebook

Loading…