Kris naibenta na ang bahay sa Greenmeadows; uupa na lang ng condo sa ibang lungsod

Screenshot mula sa Facebook Live ni Kris Aquino
  • Naibenta na ni Kris ang kaniyang bahay sa QC
  • Plano niya umanong umupa na lang ng condo sa ibang lungsod
  • Isa rin sa kaniyang pinag-iisipan ang bumalik na lang sa Tarlac

Ibinenta ni Kris Aquno ang kaniyang magarang bahay sa Greenmeadows sa Quezon City at plano umano niyang umupa na lang ng condo unit sa ibang lungsod na hindi naman niya binanggit pa.

Isa ito sa maraming kuwentong ibinahagi ng tinaguriang ‘Queen of All Media’ sa kaniyang pinakahuling tell-all video na inupload sa Facebook nitong Linggo, Marso 21.

Bago pa man ito, sa unang bahagi ng kaniyang video ay ipinagtanggol niya ang kaniyang dalawang anak na sina Josh at Bimby sa mga bashers sa social media.

Screenshot mula sa Facebook Live ni Kris Aquino

Nabanggit din ni Kris ang pangalan ni Herbert Bautista na dating inuugnay sa kaniya. Aniya,  anumang political plan ni Bistek, ang dating mayor ng QC, ay nasa sa kaniya na.

At dito na nga ibinahagi ng actress-host ang tungkol sa kaniyang bahay sa Quezon City.

“HB’s (Herbert) plans, his political plans, whatever plans he has they are his own. Para further na ma-clarify, binenta na po namin ang bahay namin sa Greenmeadows in Quezon City this December 2020,” bahagi ng aktres.

“We are just waiting to sign the lease contract. Meaning magre-rent kami ng condo in a different city,” saad pa ni Kris.

Imahe mula sa Twitter

Kris Aquino inilabas na ang kanyang ‘tell-all’ video: ‘Ayoko na to leave unanswered questions’

Ibinahagi rin ni Kris na talagang lilipat na sana siya sa Boracay subalit hindi ito natuloy dahil sa problema niya sa kaniyang kalusugan.

“For my health, we were actually ready. Nag-down payment na nang malaki to lease this villa in Boracay, but ‘yung last blood panel ko it was not good,” ani Kris. Sinabi rin niyang hindi siya pinayagan ng kaniyang doktor na lumayo sa kanila.

Naikuwento rin ng kontrobersyal na TV host ang plano nilang bumalik na lang muli sa kanilang probinsiya sa Tarlac kung saan naninirahan si Josh.

Imahe mula sa Facebook ni Kris Aquino

“Shifting to Tarlac to vote was the ideal because I didn’t want to be impulsive with the major purchase. I wanted the time to decide kung bibili ba ng condo,  magtatayo ba kami ng property in the South, because we do have one in the South, or will we create a small compound in Tarlac,” wika pa ni Kris.

Hindi rin umano totoo ang usap-usapan na ang pananatili ni Josh sa Tarlac ay may koneksiyon sa pulitika. Nagkataon lang daw na masaya doon ang kaniyang anak sa aktor na si Philip Salvador.

Loading…