Kumpanya magbibigay ng $2,400 sa sinumang makapagtitiis na 24 hours na ‘di gagamit ng teknolohiya

Imahe mula sa Pixabay
  • Magbibigay ang isang kumpanya ng $2,400 sa sinumang makaka-survive sa  kanilang hamon
  • Ang Reviews.org ay naglunsad ng 24-hour digital detox challenge
  • Ang makatitiis na hindi gagamit ng teknolohiya sa loob ng 24 oras ang mananalo

Pamilyar ba kayo sa mga katagang nomophobia, textaphrenia at phantom vibrations? Ang mga terminolohiyang iyan ay lumitaw dahil sa sukdulang pagkahumaling ng mga tao sa paggamit ng smartphone.

Imahe mula sa Pixabay

Ang nomophobia ay ang takot na umalis na walang dalang cellphone. Ang textaphrenia ay ang takot na hindi ka makapagpadala o makatanggap ng mga text messages at ang phantom vibrations ay  ang pakiramdam na akala mo ay inaalerto ka ng cellphone mo kahit hindi.

Isang kumpanya – ang Reviews.org – ay may hamon sa mga taong tila hindi buo ang araw kapag walang teknolohiya.

Handa itong magbigay ng $2,400 at Amazon gift card sa makaka-survive sa kanilang digital detox challenge. Bukas ang hamon sa mga residente ng U.S.

“Get paid $2,400 to go 24 hours without technology,” saad ng Reviews.org.

Mukhang madali, pero hindi.

Ayon daw sa isang report, ang mga taong nahuhumaling sa teknolohiya ay nagtse-check ng kanilang smartphones kada siyam na minuto o 160 times a day; tatlo sa kada apat na Americans ay itinuturing ang sarili na lulong sa paggamit ng smartphones, at gumugugol ng average na 56 hours and 42 minutes kada linggo sa panonood ng TV.

Imahe mula sa Reviews.org

Ito ang hamon:  No cellphone, no television; no gaming consoles/handheld gaming devices; no computers/laptops; no smartphones or wearable tech, at no smart home devices tulad ng smart speakers, smart vaccums at iba pa.

Puwede naman daw gumamit ng microwave oven para mag-init ng makakain.

Bahala na raw ang challengers kung paano nila gugugulin ang 24 hours na walang teknolohiya. Magbibigay naman ang kumpanya ng $200 para sa techless survival kit  na makatulong  sa pagpapalipas ng oras.

Ito ang mga suggestions ng Review.org na puwedeng bilhin para sa survival kit:

Typewriter kapalit ng laptop/PC

Board games kapalit ng video games

Imahe mula sa Medium

Writing stationery kapalit ng pagte-text o email

Abacus kapalit ng calculator tool sa cellphone

Mga bestseller books kapalit  sa oras na ginugugol sa pag-scroll sa social media

Paint at brush para gumawa ng self-portrait sa halip na mag-selfie

Bisitahin ang website ng Reviews.org para sa mga detalye ng challenge.

Source :

Reviews-org

Loading…