Kuwento ng dating food delivery rider na pinag-aral ang sarili, inspirasyon ang dala

Image by Tambayan NG PULIS via Facebook
  • Dating delivery rider at fastfood crew, napagtapos ang sarili
  • Hindi naging madali para kay Renx Francisco Ramos ang pagtupad sa pangarap na maging isang pulis
  • Aniya, “Successful men and women keep moving. They make mistakes, but they don’t quit”

May pangarap ka bang nais matupad pero problema ang kawalan ng pera yamang sa mahirap na pamilya nagmula?

Image by Tambayan NG PULIS via Facebook

Hindi naging madali para kay Renx Francisco Ramos ang pag-abot sa pangarap na maging isang alagad ng batas at kailangan niyang magsumikap bilang food delivery rider at fastfood chain worker para maisakatuparan ito, ang pagbabahagi ng Facebook page na Tambayan NG PULIS.

“HUWAG TUMIGIL NA ABUTIN ANG PANGARAP! Working student ako sa Jollibee. Pinagtapos ko ang sarili ko at nag delivery food muna habang naghihintay ng quota sa PNP at sa wakas, naabot ko na pangarap ko,” ang mababasa sa post.

Ibinahagi pa ang kasabihang, “Successful men and women keep moving. They make mistakes, but they don’t quit.”

Nakasaad pa sa post, “Renx Francisco D. Ramos PNP-AVSEGROUP CLASS 2020-02 “ALAB BALASIK””.

Umani ng papuri sa social media ang nakaka-inspire na kuwento ni Renx na mayroon nang higit 8,100 reaksyon at nasa 2,800 pagbabahagi. Komento ng isa, “Congrats Sir, isa kang inspirasyon para sa aming nangangarap din na maging isang alagad ng batas gaya mo. Keep safe and God bless, sir.”

Image by Tambayan NG PULIS via Facebook

Sabi ng isa pa, “Galing mo po, idol. Pinapangarap ko din magpulis. ‘Di lang ako nasuportahan pinansyal ng magulang para sa pag-aaral. Tas naunahan pa ng mga responsibilidad. Salute sa mga nakatupad na ng pangarap nila. Mabuhay kayo.”

Saad pa ng iba, “Congrats sa’yo, sir, at nawa’y maging mabuti kang alagad ng batas, isa kang napakagandang inspirasyon para sa mga mag-aaral. Lagi lang mag-ingat, alagaan ang kalusugan. Patnubayan ka ng Diyos.”

Image by Tambayan NG PULIS via Facebook
Source :

Facebook

Loading…