KyusiPass required na sa mga establisimyento sa QC para sa mas mabilis na contact tracing

Imahe mula sa Kyusi
  • KyusiPass required na sa lahat ng business establishments sa Quezon City
  • Ang KyusiPass, na pinagagana ng SafePass, ay makatutulong sa city government na ma-monitor ang mga indibidwal na bumibisita sa iba’t ibang establisimyento sa Quezon City
  • Ang lahat ng mga business establishments sa siyudad ay dapat kumuha ng QR code sa Business Permits and Licensing Department para ma-tag ang kanilang lokasyon

Ipinag-utos ni Quezon City (QC) Mayor Joy Belmonte noong Biyernes, Ika-5 ng Marso, ang paggamit ng KyusiPass digital contact tracing app para sa mga empleyado at customers ng mga business establishments sa siyudad.

Imahe mula sa Quezon City Government

Ang naturang direktiba ay kabilang sa mga revised guidelines para sa mga siyudad na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), batay sa mga inilabas na resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at ng Department of Trade and Industry.

“As far as practicable, all business establishments in QC must use our KyusiPass app to make contact tracing easier and faster for early detection of the virus,” pahayag ni Mayor Belmonte sa gitna ng tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa siyudad.

Ang KyusiPass, na pinagagana ng SafePass, ay makatutulong sa city government na ma-monitor ang mga indibidwal na bumibisita sa mga iba’t ibang establisimyento sa Quezon City.

Inatasan ni Mayor Belmonte ang lahat ng mga business establishments sa siyudad na kumuha ng QR code sa Business Permits and Licensing Department para ma-tag ang kanilang lokasyon.

“For clarity, a lessee inside a larger establishment, like individual stores inside malls, should have its own contact tracing log,” paliwang ng alkalde.

Imahe mula sa Quezon City Government

Para sa mga establishments na umaasa sa manual contact tracing, dapat umano nitong hikayatin ang mga customers nila na magdala ng sariling ballpen sa gagamitin sa pagsulat ng kanilang mga pangalan, address at contact number.

Dapat din umanong ibigay  ang kopya ng mga datos na isinulat ng mga customers sa City Epidemiology and Disease Surveillance Unit sakaling kailanganin na magsagawa ng contact tracing.

Imahe mula sa Remate

Loading…