Lacson sinagot ang hamon ni Panelo: “How about getting competent people?”

Imahe mula sa PNA/PTV4
  • Hinamon ni Panelo si Lacson na magpresenta ng solusyon kung talagang ‘magaling’ daw ang senador
  • Kaugnay ito sa mga batikos ni Lacson hinggil sa pagkukulang ng gobyerno sa pagtugon sa krisis
  • Sinagot naman agad ito ni Lacson sa Twitter

Sinagot ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang hamon sa kaniya ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na magpresenta ng solusyon sa ‘maling programa’ ng gobyerno para tugunan ang krisis sa pandemya.

Ilang beses na ring nabatikos ni Lacson ang kasalukuyang administrasyon dahil sa pagkukulang umano ng ilang opisyal ng gobyerno lalo na pagdating sa supply ng COVID vaccine na hanggang ngayon ay kulang pa rin.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Ani Lacson, baka marami nang pumanaw na Pilipino sa kahihintay ng bakuna kaya dapat ay mag-isip na ang pamahalaan ng ‘mabilisang solusyon’.

Sa kaniyang programang ‘Counterpoint’ naman sa radyo, hinamon ni Panelo si Lacson na kung talagang ‘magaling’ ito ay magbigay ng tinatawag niyang ‘drastic solution’ sa problemang kinakaharap ng bansa.

“Assuming na mali ‘yung programa ng gobyerno, ano ‘yun, Senador Ping? What are those drastic and innovative solutions?” tanong ni Sec. Panelo.

“Magbigay ka. Kung magaling ka e sabihin mo para kung tama e ‘di gawin natin,” dagdag pa ng kalihim.

Screenshot mula sa PCOO video

Hindi naman ito pinalampas ng mambabatas na kamakailan lamang ay kinuwestiyon rin kung nasaan na ang bakuna ng gobyerno gayung lumolobo na ang utang ng Pilipinas na dapat sana ay pambili nito.

“Solution? How about getting competent people? How many opportunities were missed and lost? Who dropped the ball?” wika ni Lacson sa Twitter.

“Who is indecisive? Who has no sense of urgency? Who is making money even in the middle of a pandemic? Think for a change, Sal,” ayon pa sa senador.

Screenshot mula sa Twitter

Noong Marso 1 pa nagsimula ang vaccination program ng pamahalaan subalit makaraan ang tatlong linggo ay nasa mahigit 1 milyong doses pa lamang ng bakuna ang dumating sa bansa –  600,000 doses ng Sinovac at 525,600 doses ng AstraZeneca – at ito ay pawang mga donasyon lamang.

Tiniyak naman ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na mayroon nang nakalaan na 108 milyong doses ng iba’t-ibang bakuna para sa Pilipinas at darating na ito sa mga susunod na linggo.

Loading…