Lalaking may patalim sa loob ng katawan, sasailalim sa libreng operasyon

Imahe mula sa You Tube
  • Libre ang magiging operasyon sa lalaking may nakabaong patalim sa kaniyang dibdib
  • Hinihintay na lamang na makauwi ito sa Kidapawan upang maoperahan
  • Mahigit isang taon na sa kaniyang dibdib ang talim at nitong Marso lamang niya ito nalaman

Ooperahan nang libre sa isang ospital sa North Cotabato ang lalaking may nakabaong talim ng kutsilyo sa kaniyang katawan na mahigit isang taon na pala subalit kamakailan niya lang nalaman.

Naging laman ng balita noong nagdaang araw ang 25 anyos na si Kent Ryan Tomao na taga-Kidapawan City matapos niyang madiskubre na may nakabaon palang talim  sa kaniyang dibdib na hindi niya alam.

Kent Ryan Tomao | Screenshot mula sa PTV video

Nalaman lamang ito ni Tomao nang sumailalim siya sa x-ray nitong buwan habang nag-a-apply siya ng trabaho. Nagulat umano siya matapos sabihan ng doktor na may nakabaong bagay ilang pulgada ang layo sa kaniyang baga at kahawig raw ito ng isang patalim

Ayon kay Dr. Joel Nelton Sungcad, hepe ng North Cotabato Provincial Hospital, nakausap na nila ang pamilya ni Tomao at inaayos na ang schedule ng operasyon.

“We already have negotiated with the patient’s family. And we are still waiting for him to come home and have him operated in the hospital without charge,” ani Sungcad.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Sa isang panayam sa radyo naikuwento ni Tomao na noong Enero 4, 2020 pa nang harangin siya ng ilang binatilyo sa Kidapawan at sinaksak habang pauwi galing trabaho sakay ng motorsiklo.

Matapos maisugod sa ospital, hindi niya na maalala umano kung sumailalim siya sa x-ray noon.

Wala naman daw siyang nararamdamang kakaiba simula nang gumaling ang sugat maliban na lamang sa kumikirot ang dibdib kapag malamig ang panahon.

Samantala, wala namang plano pang magsampa ng reklamo ang pamilya ni Tomao sa doktor at ospital na gumamot sa kaniya.

Nais lamang daw niyang maalis na ang talim upang makapagtrabaho na siya sa isang minahan sa Agusan Del Sur.

Loading…