Larawan nina Kim Chiu, Julia Barretto sa ABS-CBN All-Star Game 2019, nag-trending

Image by @macoydubs1 via Twitter
  • Larawan nina Kim Chiu at Julia Barretto sa ABS-CBN All-Star Games 2019, muling binalikan ng netizens
  • Nakatuon ang atensyon ni Kim kay Julia samantalang tila may tinitingnang iba si Julia
  • Napag-usapan ito dahil sa pag-amin ng relasyon nina Julia at Gerald Anderson kamakailan

Humakot ng atensyon sa social media ang muling pagsulpot ng larawan nina Kim Chiu at Julia Barretto na kuha sa ABS-CBN All-Star Games noon taon pang 2019.

Image by @macoydubs1 via Twitter

Makikita sa larawan si Kim na nakasuot ng red uniform at nakatuon ang atensyon kay Julia, na nakasuot ng blue uniform at tila nakikipag-usap o may tinitingnang iba.

Matatandaan kasing matagal ding nagkarelasyon sina Kim at Gerald Anderson na nakilala sa tambalang KimErald.

Samantala, inihayag kamakailan nina Gerald at Julia ang kanilang pag-ibig sa isa’t-isa.

Sa isang viral video na kuha sa ika-32 kaarawan ng aktor sa Zambales, makikita ang dalawa na naghalikan makaraang tuksuhin ng mga imbitadong bisita. Nauna rito’y nag-post ang aktres ng larawan kung saan makikita si Gerald na nakahalik sa pisngi ng aktres.

“Everyday I celebrate with you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU,” ang kapsyon ni Julia.

Dahil sa kaugnayan ng dalawang artista, muling pinag-usapan ng netizens ang larawan nina Kim at Julia. Komento ng isa sa Fashion Pulis comment section, “Hindi naman siguro Gerald-related ito. Listening intently to what Julia is saying. Pero lol lol lol!! Natawa ako.”

May nagsabi naman ng, “Ang funny nito! Wahahahaha.”

Image by @juliabarretto via Instagram

Saad pa ng isa, “Who knows baka Julia is the one for Gerald talaga. We shouldn’t judge them if it is really true love. But yes, sana may forever pero with Gerald’s history, medyo questionable nga rin. Kim, on the other hand, has moved on pero you can feel that Gerald, maybe her true first love, will always have a certain place in her heart.”

BASAHIN: Spotted: Julia Barretto, Gerald Anderson distribute relief packs to Aetas in Zambales

Samantala, naispatan sina Julia at Gerald sa relief drive para sa mga Aetas sa Zambales na pinangunahan ng Philippine Coast Guard Auxiliary kamakailan.

Image by PCG via Facebook

Loading…