Lazada, Shopee nagkasundo na sugpuin ang mga sellers ng fake products

Composite image ng Shopee at Lazada logos
  • Nagkasundo ang Lazada at Shopee na sugpuin ang talamak na bentahan ng mga pekeng produkto sa kanilang platform
  • Nagpirmahan sila ng MOU kasama ang mga brand owners na susunod sila sa code of conduct sa bentahan ng mga peke at piniratang produkto
  • Ikinatuwa ng Department of Trade and Industry ang ginawang hakbang ng Lazada at Shopee

Talamak ang bentahan ng pekeng produkto sa online selling platforms na Lazada at Shopee. Sa katunayan ay nagsagawa ng hearing ang senado noong nakaraang taon hinggil sa isyu.

Imahe mula sa Yugatech

Matatandaang sinabi noon ni Senator Sherwin Gatchalian na nagiging bagsakan na ng mga pekeng produkto ang bansa dahil sa mga sellers ng fake products sa Lazada at Shopee.

Bagama’t sinabi noon ng dalawang online selling platforms na mahigpit nilang binabantayan ang mga nagbebenta ng mga pekeng produkto ay nalulusutan pa rin daw sila.

Kaugnay ng usaping ito, ang Lazada at Shopee ay nagkasundo na agad nilang aalisin sa kanilang platform ang fake products sa oras na magreklamo ang brand owners.

Noong Lunes, ika-1 ng Marso, ay pumirma ang mga ito ng memorandum of understanding (MOU) kasama ng ilang global at local brand owners na susunod sila sa code of conduct sa bentahan ng mga peke at piniratang produkto.

Sa ilalim ng MOU ay required sila na mag-maintain ng datos ng lahat ng sellers, i-verify ang mga identities ng mga ito, at ibahagi ang pagkakakilanlan ng mga lumalabag kapag inutos ng korte o hiningi ng government regulators.

Imahe mula sa IPOPHIL

Required din sila na suspindehin o tuluyan nang isara ang account ng mga sellers na nagbebenta ng pekeng produkto.

Kabilang sa pumirma ng MOU ay ang mga kumpanyang Unilever Philippines, GlaxoSmithKline, Globe Telecom, ang Philippine Retailers Association, at ang American Chamber of Commerce of the Philippines.

Ikinatuwa naman ng Department of Trade and Industry ang ginawang hakbang ng Lazada at Shopee dahil maganda raw itong panimula upang palakasin ang tiwala ng mga consumers sa e-commerce.

Imahe mula sa IPOPHIL
Source :

ABS-CBN, Abante

Loading…