Limang taong gulang na batang babae sa Turkey mala-beauty queen ang kagandahan

  • Hinangaan ng mga netizens ang isang 5-anyos na batang babae sa Turkey
  • Ito ay si Maya Basol na bata pa lamang ay kitang-kita na ang natatanging ganda
  • May sarili na rin itong YouTube channel

Sabi nga, habang bata pa lamang ang isang tao, kailangan  nang maglaan ng oras, panahon at effort upang turuan ito ng mga bagay na kailangan niyang matutunan para sa kaniyang paglaki.

Kagaya na lamang ng isang 5-anyos na batang babae na Turkish na nagngangalang “Maya Basol” na pinag-usapan ng mga netizens sa social media dahil kitang-kita na kasi ang kaniyang kagandahan, na nakuha niya sa kaniyang inang si Asya Basol na isang modelo.

Public Domain Image

Sa mga larawan ni Maya sa mga social media accounts nito at sa mga nakatutuwang videos sa sariling YouTube channel, talaga namang bibong-bibo si Maya at tila sanay na sanay na sa posing, na kailangang-kailangan sa pagiging isang modelo.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“A gorgeous litlle girl… so beautiful! What a natural beauty gift from God!” pahayag ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow, she is so cute and adorable! Sana lang hindi masyadong ma-pollute kaagad ang innocence ng mukha niya. Don’t put too much cosmetics yet. Hayaan lang sanang ganyan ang look niya. Naturally beautiful!”

“She’s beautiful. But please, message for the parent not to let their childhood be ruined!” saad ng isa.

Public Domain Image

Sa Pilipinas naman ay maihahalintulad ang bata sa celebrity daughter nina GMA Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes.

Nariyan din ang anak ng celebrity doctors na sina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo na si Scarlet Snow Belo na marami na ring followers sa sariling Instagram account.

Syempre, nariyan din ang mga pretty girls ng Team Kramer na sina Clair Kendra at Scarlett Louvelle. Ang kanilang mga celebrity parents ay sina Doug at Cheska Garcia-Kramer.

At ang latest ay ang anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Thylane Katana o ‘Tili’ at ang pinsan niyang si Dahlia Amelie na anak naman nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Public Domain Image

Samantala, panoorin ang isa sa mga cute vlog entry ni Maya Basol mula sa kaniyang YouTube channel:

Loading…