‘Limitadong’ face-to-face classes sa ilang unibersidad sa bansa pinayagan na ng CHED

UST| Imahe mula sa The Varsitarian
  • Pinayagan na ang ‘limitadong’ face-to-face classes sa ilang unibersidad
  • Para lamang ito sa mga piling kursong may kinalaman sa medisina at kalusugan
  • Para lang din ito sa mga 3rd at 4th year students

Pinayagan na ng Commission on Higher Education (CHED) na magsagawa ng face-to-face classes ang nasa mahigit 20 unibersidad at kolehiyo sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Simula sa second semester ng academic year 2020-2021, maaari nang magsagawa ng ‘limitadong’ face-to-face classes ang 24 unibersidad na ayon kay CHED chairman Prospero De Vera ay pumasa sa umano’y mahigpit na panuntunang inilatag ng CHED at ng Department of Health (DOH).

CHED chair Prospero De Vera| Imahe mula sa PNA

Ang mga institusyong ito ay na-inspect na rin ng kanilang ahensiya at ng kinauukulang local government units (LGUs).

Subalit ang limitadong face-to-face na klase ay para lamang sa mg 3rd t 4th year na estudyante ng ilang piling kurso na may kinalaman sa kalusugan at medisina.

“They can now bring their 3rd and 4th year students for hands-on training and laboratory classes in a limited face-to-face system,” ayon kay De Vera.

UP Manila| Imahe mula sa Facebook

“CHED will continue to monitor these HEIs and I am confident that they will provide safe and healthy spaces for their students in the coming months,” dagdag pa ng opisyal.

Kabilang sa mga naprubahang eskuwelahan ay ang University of Santo Tomas (UST), University of East Ramon Magsaysay (UERM), Our Lady of Fatima University – Quezon City,  Our Lady of Fatima University – Valenzuela City, Manila Central University (MCU) at ang University of the Philippines (UP)-Manila na pawang nasa National Capital Region.

MMSU| Imahe mula sa Facebook

Kasama rin dito ang Mariano Marcos State University – Batac,  St. Louis University (Cordillera Administrative Region) at ang Our Lady of Fatima University – City of San Fernando na nasa norte.

Sa bandang Katagalugan at Bikol naman ay nakabilang ang Adventist University of the Philippines, De La Salle Health and Medical Science Institute, University of Perpetual Help – Don Jose, Our Lady of Fatima University – Sta. Rosa, at ang Naga College Foundation.

Kabilang din dito ang West Visayas State University, Central Philippine University, Cebu Institute of Medicine, University of Cebu School of Medicine, Iloilo Doctors’ College of Medicine, at ang University of Iloilo na pawang nasa Visayas.

CPU| Imahe mula sa Trip Advisor

Sa Mindanao naman ay pinayagan na rin ang Blancia Foundation College, Inc., Xavier University, at Liceo de Cagayan University.

Samantala, ang mg kursong papayagan lamang ay ang Medicine, Nursing, Medical Technology/Medical Laboratory Science, Physical Therapy, Midwifery, at Public Health.

Loading…