Liza Soberano hinggil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19: “Where is the support for the poor?”

  • Hindi napigilan ni Liza Soberano na ipahayag ang kaniyang saloobin sa Twitter
  • Hinggil ito sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa 
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Hindi napigilan ng aktres na si Liza Soberano na ipahayag ang kaniyang saloobin hinggil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, na humantong sa modipikasyon at paghihigpit sa mga community quarantines, lalo na sa mga lugar na nakapagtala ng mabilis at mataas na paglobo ng kaso sa araw-araw, kabilang ang National Capital Region o NCR.

“My heart bleeds for all the people who cannot afford not to go out and work. They literally have to choose between dying of starvation or dying of COVID,” saad ni Liza sa kaniyang Twitter post.

Imahe mula sa Twitter account ni Liza Soberano / Public Domain Image

“Is our country really this poor to no be able to provide stimulus? Genuine question lang po,” dagdag pa niya.

Sa isa pang kasunod na Twitter post, ibinahagi ni Liza ang ongoing stimulus program na ginagawa sa America. Naitanong tuloy niya kung nasaan ang pagsuporta para sa mga naghihikahos sa bansa.

“America has received 2 rounds of stimulus already, waiting on the 3rd. COVID testing is free, vaccination is free. Where is the support for the poor in our country? Madali lang naman po mag-stay at home if everyone has food on the table and money to pay the bills,” saad pa niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“What do we expect? Hindi mo na rin masisisi ‘yung tao kapag nagnakaw sila ng pagkain or kung ano pa naman, ‘yun na lang ang way nila makaraos lang sa gutom,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Unfortunately yes. We can’t blame it on the current administration though. If we are blessed enough, let’s just try to give back to help the less fortunate.”

“Sa bansang ito, mas humihirap ang mahihirap at lalong yumayaman ang mayayaman. Hindi na bago,” sabi ng isa.

Public Domain Image

Kaya naman sa pangatlong Twitter post niya, umasam at nanawagan na siya ng panalangin at pinakiusapan niya ang lahat na manatili na lamang sa loob ng kani-kanilang mga tahanan kung hindi naman kinakailangang lumabas.

“I honestly don’t even know if my tweets/my voice is actually doing anything. We can only pray for compassion now. Good night everyone! God bless all of you. Stay home if you can.”

Si Liza Soberano ay kasalukuyang nasa America at hindi pa rin makabalik sa Pilipinas dahil nga sa kasalukuyang sitwasyon. Kilala ang aktres sa matapang na pagpapahayag ng kaniyang reaksyon, saloobin at opinyon hinggil sa mahahalagang isyung panlipunan, sa kaniyang social media platforms.

Loading…