Local officials kabilang na sa priority list ng vaccination program – Roque

Vaccination program ng gobyerno| Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Kabilang na ang mga local officials sa priority list ng gobyerno pagdating sa mga babakunahan
  • Magiging pang-apat na sila sa listahan, ito ang kinumpirma ni Sec. Harry Roque
  • Dati ay sumunod lamang sila sa indigent population at mga guro’t social workers sa dating listahan

Umakyat ng ilang baytang ang kategorya ng mga local chief executives sa priority list ng gobyerno para sa mga mauunang tatanggap ng COVID-19 vaccine.

Sa online press briefing nitong Lunes, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa pang-apat na sa listahan ang local officials.

“Totoo po yan, I confirm that. I think A4 po ata but I could be wrong. Pero kasama na sila sa A priority. Nasa A4 po sila,” ayon sa tagapagsalita ng Malakanyang.

Imahe mula sa Inquirer

Ang A4 ay nasa pang-apat sa listahan mula sa A1, na mga medical frontliners at health workers; A2, na mga senior citizens; at A3, na yaong may mga comorbidities.

Sa naunang listahan na inilabas ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG), ang mga nasa ilalim ng A4 ay mga “frontline personnel in essential sectors including uniformed personnel.”

Dati, ang mga local officials ay sumunod lamang sa A5 (indigent population) at B1 (mga guro at social workers).

Subalit nilinaw ni Roque na hindi lahat ng government officials, katulad niya, ay makakabilang sa A4.

Vaccination program ng gobyerno| Imahe mula sa PIA

“In fact, doon kami sa B, matapos ‘yung unang priority. Pero sa general population, there will be priority for government workers. Pero sa ngayon po, hindi pa po kasama ang lahat,” saad ng kalihim.

Naniniwala rin si Roque na ang pagbabago sa listahang ito ay pinag-aralan naman ng iNITAG dahil mayroon naman talagang mga frontliners na nagtatrabaho sa gobyerno subalit hindi kabilang sa health sector.

Kabilang na umano rito ang kaniyang tanggapan dahil sila ang nagbibigay ng impormasyon ngayong panahon ng pandemya.

Loading…