Local tourist na COVID-positive na may pekeng swab test result, nagbakasyon sa Palawan

Imahe mula sa Hotels.com
  • Local tourist mula sa Quezon City nameke ng dokumento para makapasok sa Coron, Palawan
  • Nagprisinta ang lalaki ng negative swab test result na nadiskubreng peke pala
  • Agad dinala sa isolation facility ang 24 anyos na turista

Isang 24-anyos na lalaki mula sa Quezon City na nameke ng kanyang mga dokumento para lang makapasok sa Coron, Palawan ang nagpositibo sa COVID-19.

Imahe mula sa FHNA

Dumating ang lalaki sa Coron noong March 9. Natunton naman ang lahat ng mga nagkaroon ng close contact sa kanya at sa kabutihang palad ay negatibo sila sa coronavirus. Sinisikap pa ng lokal na pamahalaan ng Coron na ma-trace ang posible pang contacts ng lalaki.

Ayon sa local government unit ng Coron ay natuklasan nila na peke ang mga dokumentong iprinisinta ng turista nang i-counter check nila ang mga iyon sa mga dokumentong nasa Quezon City Surveillance Team.

Sa isang pahayag, sinabi ng Emergency Operations Center of Coron na pinayagan nilang makapasok ang lalaki matapos magprisinta ng negative swab test result na kalaunan ay nalamang peke.

Matapos kumpirmahin ng Quezon City Surveillance Team na positibo sa COVID-19 ang lalaki ay agad itong dinala sa isang isolation facility.

“The LGU Coron is investigating the matter in coordination with other concerned agencies/institutions for possible case to be filed to the said person who falsified his travel documents,” saad ng statement ng LGU.

Tiniyak naman nito sa publiko na nananatiling ligtas ang Coron kasabay ng pakiusap na patuloy na sundin ang mga ipinatutupad na health protocols.

Imahe mula sa CNNPH

Bukod sa turista mula sa Quezon City, ang Coron ay may isa pang active case ng COVID-19 –  isang Pinoy na galing sa ibang bansa.

Loading…