Local variant ng COVID-19 posibleng mas nakahahawa – Philippine Genome Center

Imahe mula sa NIAID
  • Bagong COVID-19 variant na dito sa Pilipinas na-develop, nadiskubre
  • Tinawag na P.3 ang bagong COVID-19 variant
  • Posible umano na mas mabilis itong makahawa, pero walang indikasyon na nagiging malala ang sintomas ng tinamaan ng P.3

Ang bagong COVID-19 variant na unang na-detect sa bansa ay maaaring dito sa Pilipinas na-develop. Posibleng mas nakahahawa ito, subalit walang indikasyon na nakapagpapalala ito ng mga sintomas, ayon sa isang eksperto sa Philippine Genome Center (PCG).

Imahe mula sa Philippine Genome Center

Tinawag na P.3 ang bagong variant. Kinumpirma ito ng Department of Health (DOH) nitong araw ng Linggo, ika-14 ng Marso, kung saan nasa 98 cases na nito na ang nadiskubre.

“Sa palagay ko, masasabi natin it’s really a local variant kasi it’s really a local variant of origin. We have not seen that in the 600,000 deposits in the database. So, we believe that it developed locally,” pahayag ni PGC executive director Cynthia Saloma.

Ang magandang balita raw hinggil sa variant na ito ay wala silang nakitang palatandaan na tumaas ang pathogenecity nito.

“Ang magandang nakikita natin sa lahat ng variants of concern, parang wala namang nakikitang increased pathogenicity… Parang hindi lumalala ‘yung symptoms, hindi siya nakamamatay kung hindi ka naman immuno-compromised. ‘Pag sinabing pathogenicity, nagiging severe ang symptoms. Parang wala naman tayong nakikita, kahit sa tatlong variants of concern – P.1, B.1.1.7, and B.1.351. Wala naman din silang association sa pagiging mas malala ‘yung sintomas.”,” ani Saloma.

Kaugnay ng P.3 variant na dito sa Pilipinas nagmula, sinabi ng DOH na dini-discourage nito na isunod ang pangalan ng bagong variant sa bansa  kung saan ito nadiskubre.

Screenshot mula sa Inquirer video

“Ayaw na natin ‘yung practice na ginagamit ‘yung pangalan ng isang lugar to assign the name of the virus or the variant kasi nga nakaka-cause ng discrimination dun sa mga nanggagaling sa bansang ‘yun,” pahayag ni Dr. Anna Ong-Lim ng DOH technical working group on COVID-19 variants.

“I’d like to establish na we call this as the P.3 variant. We want to do away with referring to it as the Philippine variant kasi nga hindi acceptable practice na we assign place names,” sabi pa niya.

Sinabi pa niya na kulang pa ang mga datos para masabing mas mabilis na nakahahawa ang P.3 variant.

Imahe mula sa MB
Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…