Locsin sa mga tutol kumanditato si Manny Pacquiao: “Don’t vote for but honor him”

Imahe mula sa ABC News/ Las Vegas Review Journal
  • Ipinagtanggol ni Sec. Locsin si Sen. Manny Pacquaio sa mga kritiko nito
  • Ibinabalik kasi ngayon ang isyung madalas na pag-absent noon ng Pambansang Kamao
  • Ani Locsin, kung ayaw nilang iboto si Pacman ay bigyang-karangalan man lang sana

Ipinagtangol ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin si Senador Manny Pacquiao sa mga kritiko ng Pambansang Kamao na tutol sa pagkandidato ng huli sa pagka-pangulo sa darating na halalan.

Kasunod ito ng naging pahayag ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na kumukwestiyon sa kwalipikasyon ng nag-iisang eight-division titlist sa boksing sa buong mundo at ngayon ay kasalukuyang senador.

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Teddy Locsin

Paritkular kasing tinukoy ni Carpio ang ‘absenteeism’ ni Pacman na indikasyon umano ng ‘lack of competence’ ng Pinoy boxing legend.

Subalit para kay Sec. Locsin, isang mabuting tao si Pacman na nagbigay ng maraming karangalan sa bansa.

“Yes but he is a good and honest man in every fibre of his being; kindness personified in the man who gave our country the greatest honor since EDSA ’86: he made us proud again to be Filipino,” ani Locsin sa isang Twitter post.

Screenshot mula sa Twitter

“He did it with less fuss: in a square ring—again and again. Don’t vote for but honor him,” dagdag pa ng kalihim.

Sa isa pang Twitter post, hinamon ni Locsin na hayaang i-revive ng mga kritiko ni Pacman ang kaniyang ‘absenteeism’ sa Kongreso noon upang maipaalala umano sa kanila na nag-eensayo siya noon para sa patuloy na pagdadala ng korona sa Pilipinas.

“Let them revive it and reminds you were training for the ring to keep being the only Filipino to bring the widest most far-reaching and unqualified international honor to our country and our race,” wika ni Locsin.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Sa inilabas na pahayag ni Carpio, isa sa convenor ng 1Sambayanan, hindi umano kabilang si Pacquiao sa mga ikinukunsidera nila para suportahan sa 2022 election.

“As congressman, Pacquiao was the No. 1 absentee, he was the topnotcher in absences in Congress. As senator, he again topped, he was No. 1 in absences. So that basic qualification — competence —  is not there,” ani Carpio sa isang panayam.

Bagama’t umano’y alam nilang may mabuting puso si Pacman, higit na kailangan ng bansa ang isang ‘competent’ na lider at hindi yaong laging wala o ‘absent’.

Loading…