Lolo na patuloy na kumakayod, nakatanggap ng tulong mula sa mga may mabubuting kalooban

Image by Francis Levy Castro via Facebook
  • Lolo na patuloy na kumakayod sa pamamagitan ng pagbebenta ng damit, trending
  • May mga nagpadala na ng tulong para sa matanda
  • Patuloy na nananawagan si Francis Levy Castro sa mga may mabubuting kalooban na tulungan si Tatay Conrado

Mayroon tayong mga kababayan na kailangan talagang kumayod sa gitna ng kapansanan o edad dahil kung hindi ay gutom ang aabutin maging ng pamilya. Mabuti na lamang at mayroong may mga mabubuting puso na nakahandang tumulong sa mga nangangailangan.

Image by Francis Levy Castro via Facebook

Nag-trending sa social media kamakailan ang post ni Francis Levy Castro, at dito ay  ibinahagi niya ang larawan ni Tatay Conrado na patuloy na nagbebenta ng mga damit kahit na may edad na ito.

Matatagpuan ang pobreng matanda na nagbebenta sa Sapang Palay, SJDM Bulacan.

Basahin: Netizen nanawagan ng tulong para sa lolong tindero ng relo atbp. sa Bulacan

Pumukaw ng atensyon sa social media ang post ni Francis at may mga nagpaabot na umano ng tulong kagaya ng mga dagdag-panindang jacket, damit pambata, T-shirt, at short pants.

Mayroon ding nagbigay, aniya, ng clothes rack, payong at hanger. “Di ko na itag o i-mention dahil ayaw na din nung iba ang magpakilala.

“Salamat sa inyong lahat na nagbigay ng tulong kay tatay at sa mga bumili din, i-bless din kayo ni God ng sobra-sobra dahil sa kabutihan niyong lahat.”

Saad pa ni Francis, “God bless po sa inyong lahat. Nasa pic na po lahat ng na picturan ko. Yung iba di na po napicturan. Si Lord na po ang bahala mag balik sa inyo ng mga tulong niyo po.”

Image by Francis Levy Castro via Facebook

Patuloy naman siyang nananawagan sa mga kaibigan may negosyong ukay at mayroong pupuwedeng i-donate para maisama sa maibenta ng matanda. “Napakalaking tulong na po ‘yun sa kanya o kahit ano po na maitutulong niyo po sa kanya.”

Paalala ng netizen, “Minsan may mga purpose tayo sa buhay na di natin akalain. Always remember na kung bad day ka bad day lang yun, at hindi bad life.”

Image by Francis Levy Castro via Facebook
Source :

Facebook, DF News

Loading…