Lumang monasteryo noong 5th century AD nahukay sa disyerto ng Ehipto

Imahe mula sa Egyptian Ministry of Tourism and Antiquities
  • Nahukay ng mga archaeologist ang lumang monasteryo sa disyerto ng Egypt
  • Yari sa mudbrick at basalt ang nahukay na monasteryo na tinirhan ng mga monks simula pa noong 5thcentury
  • Mahalaga ang discovery dahil nagbibigay iyon ng kabatiran sa pagplano ng pagtayo ng gusali at kung paano nabuo ang mga unang monastic congregations sa Ehipto

Inanunsyo ng pamahalaan ng Cairo, Egypt ang mga bago nitong archaeological discoveries sa pag-asang makatulong iyon upang lumakas ang turismo.

Imahe mula sa Egyptian Ministry of Antiquities and Tourism

Ayon sa Egyptian Minsitry of Antiquities and Tourism, sa isang bahagi ng Bahariya Oasis sa dakong southwest ng Cairo, nahukay ng Norwegian-French archeological mission ang mga sinaunang gusali kung saan nanirahan ang mga monks simula  pa noong 5th century AD.

Sa statement na inilabas, sinabi ng ministry na nahukay ng mga archaeologists  ang ilang gusali na yari sa mudbrick at basalt sa area ng Tal sa katimugan ng Qasr Al-Ajouz sa Bahariya Oasis. Nahukay umano ang mga iyon sa ikatlong excavation campaign ng Norwegian-French mission sa naturang rehiyon.

“The French-Norwegian mission discovered during its third excavation campaign at the site of Tal Ganoub Qasr al-Agouz in the Bahariya Oasis several buildings made of basalt, others carved into the bedrock and some made of mud bricks,” saad sa statement ng Ministry of Antiquities and Tourism.

Ipinaliwanag ni Victor Gica, ang head ng mission, na mahalaga ang kanilang discovery dahil nagbibigay iyon ng kabatiran sa pagplano ng pagtayo ng gusali at kung paano nabuo ang mga unang monastic congregations sa Ehipto.

Imahe mula sa Egyptian Ministry of Antiquities and Tourism

Ipinakita nila sa publiko ang nahukay na labingsiyam na silid na inukit mula sa mga batuhan at ang isang well-preserved na simbahan. May mga letrang nakaukit sa mga pader nito, kabilang ang ilang teksto mula sa Bibliya na nasa salitang Griyego.

Ayon kay Gica, ang mga nakasulat sa mga pader ay nagpapahiwatig na ang mga monks ay doon na nanirahan simula pa noong 5th century.

Layunin ng Egypt na gamitin ang mga nadiskubreng ito upang i-promote ang mga luma nilang tradisyon para muling buhayin ang industriya ng turismo na lubos na naapektuhan dahil sa political instability sa bansa na nagsimula isang dekada na ang nakararaan.

Imahe mula sa Egyptian Ministry of Antiquities and Tourism

Loading…