Mag-asawang Aga at Charlene Muhlach naglayag para bisitahin si Willie Revillame sa Puerto Galera

Imahe mula sa Instagram account ni Aga Mulach
  • Naglayag sa karagatan si Aga Muhlach at asawang si Charlene Gonzales para bisitahin sa Puerto Galera si Willie Revillame
  • Si Aga at Willie ay matagal nang magkaibigan
  • Matapos bumisita, inimbitahan ni Aga si Willie na ito naman ang bumisita sa kanila

Naglayag sa karagatan ang mag-asawang Aga Muhlach at asawang si Charlene Gonzales upang bisitahin ang kaibigang si Willie Revillame, ang popular na host ng “Wowowin,” sa mala-paraiso nitong vacation house sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.

Imahe mula sa Instagram account ni Aga Mulach

Ibinahagi ng dating matinee idol na si Aga sa Instagram ang ilang litrato ng pagbisita nila kay Willie. May mensahe pa ito para sa kaibigan.

Anang 80’s idol, masaya siya sa naging kapalaran ni Willie at inudyukan na ipagpatuloy ang ginagawang pagpapasaya at pagtulong sa maraming tao.

Ginamit pa ni Aga ang hashtag na #sahirapatginhawa para bigyang-diin ang tibay ng kanilang pagiging magkaibigan. Inimbitahan rin niya si Willie na ito naman ang bumisita sa kanila.

“A good friend since the 80s. Puno ng paghihirap at saya ang mga pinagdaanan natin din. Happy for what you’ve become, Willie. Continue to do what you do best, tumulong at magpasaya ng tao. Nice seeing you again! God bless you my friend. Cheers! Your turn to visit us soon!” mensahe ni Aga para kay Willie na kilala sa tawag na Kuya Wil sa TV show niyang Wowowee.

Imahe mula sa Instagram account ni Aga Mulach

Sa mga larawang ibinahagi ni Aga, makikita silang magkasama ni Willie habang tanaw sa kanilang likuran ang isang yacth at ilang malilit na motor boats.

Makikita rin ang kanilang pagkukuwentuhan habang nakaupo sa mga reclining chairs na tinatabingan ng kulay orange na beach umbrella.

Bukod kay Aga Mulach, si Kris Aquino ay nagpalipas din noon ng ilang araw sa vacation house ni Willie.

Imahe mula sa Instagram account ni Aga Mulach

Matatandaang noong idineklara ang enhanced community quarantine sa buong Luzon ay naipit sa Boracay si Kris Aquino at ang kanyang dalawang anak. Kailangan nilang umalis doon, subalit hindi raw sila puwedeng umuwi sa bahay dahil under renovation iyon.

Humingi siya ng tulong kay Willie na sumundo sa kanila gamit ang private helicopter nito patungo sa Puerto Galera beach paradise.

Loading…