Magandang dilag mula sa Finland napaibig ng isang Pinoy seaman

Screenshot mula sa KMJS video
  • Mapapa-sana all ang mga netizens sa ganda ng nobya ng isang dating bartender sa barko
  • Pang-international beauty pageant ang ganda ng dalagang taga-Finland na nobya ng Pinoy mula sa Mindanao
  • Tuluyan nang iniwan ng Finnish na si Jasmina ang kanilang bayan upang makapiling si Bryan

Tiyak na marami ang nananaghili sa Pinoy na dating bartender sa isang cruise ship dahil napaibig niya ang isang dalaga mula sa Finland na pang-international beauty contest ang gandang taglay.

Screenshot mula sa KMJS video

Jasmina Cristea ang pangalan ng 22 anyos na Finnish na umibig kay Jim Bryan Calonia, 32 anyos.

Aminado si Bryan na bago niya nakilala si Jasmina ay marami na siyang nakarelasyon. Marami rin sa mga iyon ang mga banyaga dahil na rin sa uri ng trabaho niya. Lahat daw ng bisyo ay nasa kanya na.

Sa lahat ng mga naging nobya niya, tanging si Jasmina lang daw ang nagsabi sa kanya na tigilan na ang pagbibisyo dahil makasasama iyon sa kanyang kalusugan.

Kaya naman sa pakiramdam ni Bryan ay si Jasmina na ang kanyang “forever.”

Circus ang negosyo ng pamilya ni Jasmina sa Finland. Aniya, siya ang manager sa negosyo. Tumutulong din daw siyang gumawa ng tent at mga poster.

Screenshot mula sa KMJS video

Sa kabila ng kagandahang tinataglay, may insecurities na nararamdaman si Jasmina sa sarili. Sa Finland daw ay madalas siyang makaranas ng pamimintas sa kanyang itsura. Dahil doon ay nagpasya raw siyang iwan ang bayang sinilangan at naglibot sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Nasa isang French cruise ship daw siya noon nang makita niya si Bryan na bartender sa barko. Madalas daw siyang batiin ng binata sa tuwing magkikita sila at nang lumaon ay naging chatmate sila.

Ayon kay Bryan, tumagal ng dalawang buwan ang panliligaw niya sa dalagang Finnish at naging “sila” sa mismong kaarawan ng dalaga.

Screenshot mula sa KMJS video

Tuluyan nang iniwan ni Jasmina ang Finland upang makapiling si Bryan sa Butuan. Hindi na rin pinasampa ni Jasmina sa barko ang nobyo dahil sa pangambang may makilala pa itong iba.

Nasubok ang tibay ng kanilang samahan nang magbakasyon sila sa Cebu. Doon sila inabutan ng lockdown dahil sa pandemya. Nagkaroon umano sila ng hidwaan….nagsisihan…dahil wala silang hanapbuhay. Sabi ni Bryan, kung pinayagan lang sana siyang makapag-barko ulit ay hindi sila malalagay sa ganoong sitwasyon.

Screenshot mula sa KMJS video

Doon nila naisip na simulan ang bagong yugto ng kanilang buhay sa Cebu.

Gamit ang savings ni Bryan, nagtayo sila ng negosyo – isang Café na ang theme ay Greek.

Screenshot mula sa KMJS video

Sabi ni Jasmina, baking daw talaga ang passion niya na nagagawa na niya sa negosyo nila ni Bryan.

Panoorin ang love story ni Bryan at Jasmina:

Loading…