Mahigit 200 Chinese vessels namataan sa Julian Felipe Reef

Imahe mula sa NTF-WPS
  • 220 Chinese vessels namataan sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea
  • Pinaniniwalaang maritime militia ang sakay ng mga Chinese vessels at hindi mga mangingisda
  • Umapela si Defense Sec. Lorenzana sa China na i-pull out na nito ang mga barko

Namataan ang tinatayang 220 Chinese vessels na pinaniniwalaang bahagi ng maritime militia ng China sa loob ng  exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf ng bansa sa Western Philippine Sea.

Imahe mula sa NTF-WPS

Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), ini-report umano ng Philippine Coast Guard ang presensya  ng mga Chinese vessels na naka-line formation sa Julian Felipe Reef noong March 7.

Ang Julian Felipe Reef ay nasa northeast ng Pagkakaisa Banks and Reefs na 175 nautical miles ang distansya mula sa Bataraza, Palawan.

Sinabi pa ng NTF-WPS na ang presensya ng mga Chinese vessels ay isang “cause for concern” dahil hindi naman nakita ang mga ito na nangingisda kahit maganda ang panahon at ang mga puting  ilaw ng mga barko ay nakabukas kahit sa gabi.

“The NTF-WPS notes this circumstance as a concern due to the possible overfishing and destruction of the marine environment, as well as risks to the safety of navigation. The Government will continue to monitor the situation as it remains steadfast in its duty to protect Philippine sovereignty and sovereign rights in the country’s maritime domain,” ayon sa task force.

Umapela na si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa China na alisin ang mga militia ships dahil nilalabag nito ang maritime rights at sovereignty ng Pilipinas.

Imahe mula sa NTF-WPS

“We call on the Chinese to stop this incursion and immediately recall these boats violating our maritime rights and encroaching into our sovereign territory. We are committed to uphold our sovereign rights over the WPS,” pahayag ni Sec. Lorenzana.

Ipinunto ng kalihim na ang mga Pilipino ang may eksklusibong karapatan na makinabang sa mga resources sa EEZ sa ilalim ng International Law at ng UN Tribunal ruling noong 2016.

Sinabi pa ni Sec. Lorenzana na ang Philippine Coast Guard, NTF-WPS, at ang Department of Foreign Affairs ay magsasagawa ng karampatang aksyon upang mapanatili ang peace and order sa West Philippine Sea.

Imahe mula sa NTF-WPS
Source :

Philstar, GMA

Loading…