Maja Salvador hinikayat ang mga kababaihan na maniwala sa sariling kagandahan

  • Proud na ipinakita ni Maja Salvador ang kaniyang larawang ‘no filter’
  • Bahagi ito ng kaniyang pagpo-promote para sa ‘self-love’ na kaugnay ng pagdiriwang ng International Women’s Month at #PreviewNoFilter Campaign
  • Hinikayat niya ang kababaihan na maniwalang maganda sila sa likas nilang katangian

Ibinahagi ng aktres na si Maja Salvador ang kaniyang larawang walang make-up o kahit na anong beauty filter, upang i-promote ang pagmamahal ng kababaihan sa kanilang likas o natural na kagandahan, bilang bahagi na rin ng paggunita sa International Women’s Month.

“Self-love is real Love Joining the #PreviewNoFilter Campaign to encourage all the women to embrace their natural beauty with or without make-up,” saad ni Maja sa kaniyang Instagram post, gamit ang mga hashtags na “#NextLevelGlow,” “#HaveYouMET,” “#GandangPalaban,” at “#HappyWomensMonth.”

Imahe mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Dami rin pala niyang freckles gaya ko, maganda pa rin naman nasanay lang tayo na naka make- up siya lagi. Yes, let us be proud with our natural beauty!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Para sa akin, basta ang real beauty ay yung walang nilagay, kahit isang patak ng pulbos o anomang pampaputi. Iyon ang natural na beauty talaga. Walang halong kung ano-ano.”

“Yung applicable lang sa mga magaganda at gwapo ang walang filter. Mapapa-sana all na lang ako,” wika naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Kailangan talaga maging proud tayo sa kung anoman ang hitsura at kulay natin. Ito kasi ang kaloob ng Poong Maykapal sa atin, kaya kailangan nating igalang kung anoman ang nakuha natin mula sa Kaniya.”

Bukod sa likas na ganda, si Maja Salvador ay isa sa mga maituturing na strong independent woman sa showbiz ngayon. Sa katunayan, nitong Marso lamang ay napasinayaan na ang kaniyang bagong tayong negosyo: ang sarili niyang talent management na pinangalanan niyang ‘Crown Artist Management.’

Imahe mula sa Instagram account ni Maja Salvador

“Ako po ay sobrang excited sa bagong yugto ng aking career at makita kung saan ako nito dadalhin. Sa aking pagpapatuloy dito sa industriya, I think the best move for me now is to manage myself. At para magawa ko po ito successfully, I put up Crown Artist Management Inc., kasama ang mga taong malapit sa puso ko,” saad niya sa Instagram post niya.

Sa ngayon, mapapanood si Maja sa pinakabagong teleserye ng TV5 na “Niña Niño” gabi-gabi.

Congratulations, Maja!

Source :

Instagram, News 5

Loading…