Manila archdiocese inalmahan ang ban sa religious gatherings; labag umano sa religious freedom

Bishop Broderick Pabillo| Imahe mula sa UCA News
  • Tinutulan ng Manila archdiocese ang ban sa religious gatherings
  • Labag umano ito sa ‘religiuos freedom’ ng mga tao
  • Dahil dito, magsasagawa pa rin ng religious worship ang mga simbahan sa loob

Inalmahan ng pamunuan ng Archdiocese of Manila ang pagbabawal sa religious gatherings ng IATF kasunod ng ipinatutuad na GCQ bubble sa Metro Manila ta karatig probinsiya.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, labag ito sa religious freedom ng mga tao at salungat din umano sa prinsipyong ‘separation of church and the state’.

Bishop Pabillo| Imahe mula sa PNA

Wala rin daw itong konsultasyon sa Simbahang Katolika, ayon pa sa arsobsipo ng Manila.

“So, dyan mali na sila at hindi dapat tayo sumunod sa ganiyang pamamalakad na walang konsultasyon and it somehow breaks the separation of church ang state, sila ang nagse-separate ngayon,” wika ni Pabillo.

“Sila na ang tumatanggi sa separation at ‘yan ang sinasabi na hindi puwedeng pagbawalan ng state ang religious activities within their own ambient,” dagdag pa ng arsobispo.

Dahil dito naglabas ng pastoral letter ang archdiocese para sa Semana Santa kung saan nasasaad dito na bagama’t walang aktibidad tulad ng senakulo, pabasa, processions, motorcades, at visita iglesia sa loob ng simbahan, magsasagawa pa rin umano sila ng religious worship sa loob pero oobserbahan ang 10% maximum venue capacity simula sa Marso 24.

Imahe mula sa Veritas846.ph-Facebook

“Let the worshippers be spread apart within our churches, using the health protocols that we have been so consistently implementing,” ayon sa pastoral instruction.

Ayon din kay Pabillo, hinihikayat nila ang lahat ng mga mananampalataya na gustong dumalo subalit limitado pa rin at ipatutupad ang mga nakagawiang health protocol.

Nakiusap naman si Presidential Secretary Harry Roque kay Bishop Pabillo na huwag manghikayat ng tao para lumabag sa panuntunan ng IATF.

Imahe mula sa SCMP

Kapag nangyari umano ito, walang magagawa ang gobyerno kung hindi ipasara ang mga simbahan.

“Huwag sana pong dumating doon, Bishop Pabillo. Wala po tayong makakamit na kahit anong objective if you will defy and you will force the state to close the doors of the church,” paalala pa ni Roque.

Magugunitang naglabas ng kautusan ang IATF na bawal ang lahat ng religious gatherings subalit papayagan ang mga gym at spa na magbukas sa 30% capacity nito maliban na lamang umano kung tutulan ng mga LGUs na nakakasakop sa kanila.

Loading…