Maraming Taiwanese pinapalitan ng “Salmon” ang pangalan para libreng makakain ng sushi

Imahe mula sa Sushiro
  • Maraming Taiwanese ang nagpalit ng pangalan para makakain ng libreng eat-all-you-can sushi
  • Salmon ang ipinalit o idinagdag nila sa kanilang pangalan
  • Sa ilalim ng promo, dapat magpakita ng official ID ang customer na may katagang “Gui Yu” – katumbas ng salmon sa Chinese characters – sa kanilang pangalan

Palasak dito sa atin ang kasabihang “makakalimutan mo  ang pangalan mo dahil sa sarap ng kinain.” Sa Taiwan naman, handa silang papalitan ang kanilang pangalan para lang makakain ng masarap na sushi na eat-all-you-can pa.

Imahe mula sa Sushiro

Kamakailan lang ay dinagsa ng maraming tao ang Household Registration Offices ng Taiwan para magpapalit ang mga ito ng kanilang pangalan. Lahat sila  ay Salmon ang ipinalit o ipinadagdag sa kanilang pangalan. Ito ay para maka-avail sila ng kakaibang alok ng Sushiro, isang sushi restaurant.

Sa 2-day promotion ng Sushiro, na natapos na noong nakaraang Huwebes, March 18, ang sinuman na makapagpiprisinta ng ID card na kasama sa pangalan ang katagang “Gui Yu” – ang Chinese characters para sa Salmon – ay puwedeng kumain ng eat-all-you-can sushi kasama ang limang kaibigan.

Dahil sa offer ay nagkumahog nga ang mga kabataang Taiwanese para magpapalit ng pangalan.

Sa Taiwan ay puwedeng magpapalit ng pangalan hanggang tatlong beses.

Hindi ikinatuwa ng isang Taiwanese official ang ‘kaguluhan’, na tinawag ng local media na “Salmon Chaos.”

“This kind of name-change not only wastes time but causes unnecessary paperwork. I hope everyone can be respectful to the administrative resources and be more rational about it,” himutok ni Deputy Interior Minister Chen Tsung-yen.

Imahe mula sa Taiwan News

Narito ang pahayag ng ilang nagpapalit ng pangalan:

“I just changed my name this morning to add the characters ‘Bao Cheng Gui Yu’ and we already ate more than Tw$7,000 ($235).”

“I’ve changed my first name to salmon and 2 of my friends also did. We’ll just change our names back afterwards.”

Sabi ng isa pang nag-avail ng promo, sa dami ng nakaing salmon ay mukhang matatagalan bago siya kumain ulit nito.

Mahigit isanlibong Taiwanese ang nakapag-avail ng promo, ayon sa Sushiro.

Imahe mula sa Sushiro
Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…