Mas maagang registration para sa School Year 2021-2022 simula March 26 hanggang April 30 – DepEd

Imahe mula sa DepEd
  • Nagtakda ang DepEd ng mas maagang registration para sa School Year 2021-2022
  • Lahat ng incoming kindergarten, grades 1, 7 at 11 sa public elementary at secondary schools ay kailangang magpre-register
  • Nilinaw ng DepEd na ang early registration ay required sa mga public schools subalit optional lang ito para sa mga pribadong paaralan

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na ang registration para sa school year 2021-2022 ay itinakda nang mas maaga kaysa sa nakagawian. Gagawin ito mula sa ika-26 ng Marso hanggang sa ika-30 ng Abril.

Imahe mula sa DepEd

Ang maagang registration, ayon sa DepEd, ay dahil umano sa malaking pagbabago sa school calendar school year 2020-2021.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na lahat ng incoming kindergarten, grades 1, 7 at 11 sa public elementarty at secondary schools ay kailangang magpre-register upang mabigay  ng panahon ang DepEd na gumawa ng kinakailangang preparasyon at plano para sa darating na school year 2021-2022.

Ang mga grades 2-6, 8-10 at 12 ay kinukonsidera nang pre-registered kaya hindi na kailangang lumahok sa early registration.

Pinaalalahanan ng DepEd ang mga paaralan at ang publiko na sumunod sa mga precautionary measures kontra COVID-19 sa gagawing early registration.

“In the context of the prevailing COVID-19 public health emergency, the conduct of early registration shall be done remotely in areas under General Community Quarantine (GCQ). In-person registration through parents or guardians may be allowed in areas under Modified General Community Quarantine (MGCQ) provided physical distancing and health and safety protocols are strictly observed,” dagdag ni Sec. Briones.

Imahe mula sa DepEd

Nilinaw ng Kalihim na ang early registration ay required sa mga public schools subalit optional lang ito para sa mga pribadong paaralan.

“Ang kampanya para sa early registration ay sumisiguro sa karapatan ng lahat ng school-aged na mag-aaral na magpatala at mabigyan ng dekalidad, naaabot, nararapat, at mapagpalayang basic education,” ayon sa DepEd.

 

Source :

Facebook, GMA

Loading…