Mas murang saliva test dapat isama na agad sa benefit package ng PhilHealth, ayon sa Philippine Red Cross

Imahe mula sa PRC
  • Inaapura na ni Sen.Richard Gordon ang DOH at PhilHealth na isama sa benefit package para sa PhilHealth members ang saliva test
  • Hanggang ngayon ay hindi pa raw inaaprubahan ng Health Technology Assessment Council ng DOH ang saliva test para sa public use
  • Nauna nang inaprubahan ito ng DOH for private use

Nababagalan si Senator Richard Gordon na chairman din ng Philippine Red Cross sa pagkilos ng Department of Health (DOH)  at ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin naisasama ang saliva reverse transcription-polymerase chain reaction test sa benefit package ng state health insurer.

Imahe mula sa PRC

Ayon kay Sen. Gordon ‘di-hamak na mas mura ang saliva test kaysa sa swab test na ginagamit ngayon na ang halaga ay mahigit P3,400.

“Mas mura na itong saliva test na inaprubahan na ng DOH. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa nila kino-cover, dapat sila ang mag-follow up kasi mas mura na mabibigay na bayad kaysa dun sa tinatawag na P3,409. Pero hanggang ngayon mabagal, ay naku, hoy gising kayo dyan,” pahayag ni Sen. Gordon sa isang panayam.

“Alam mo wala silang sense of urgency,” sabi pa niya.

Dahil hindi pa kasama sa benefit package ng PhilHealth, hindi pa tuloy mapakinabangan ng PhilHealth members ang saliva test. Hindi pa raw kasi inaaprubahan ng Health Technology Assessment Council ng DOH para magamit na ito ng publiko.

Imahe mula sa PRC

“Kasi dapat malilibre kung papayagan ng Health Technology Assessment Council. ‘Pag pinayagan ‘yan, malilibre ‘yan, mas makakamura pa ang gobyerno,” paliwanag ng senador.

Ang saliva test ay pinayagan ng DOH para sa private use lang. Mula nang maaprubahan ito ay nasa 9,650 individuals na ang sumailalim sa saliva RT-PCR test ng Philippine Red Cross.

Imahe mula sa PRC

Loading…