Mayor Vico negatibo ang test matapos ma-expose sa kaniyang driver na nagka-COVID

Screenshot mula sa Facebook Live ni Mayor Vico Sotto
  • Hindi nakaligtas sa COVID-19 ang driver ni Mayor Vico Sotto noong nakaraang araw
  • Dahil dito nag-quarantine muna ang alkalde at nagnegatibo naman sa PCR test
  • Hinimok rin ni Mayor Vico ang publiko na higit na mag-ingat at patuloy na sumunod sa ipinatutupad na health protocols ng gobyerno

Sumailalim sa quarantine si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos ma-expose sa kaniyang driver na nagpositibo sa COVID-19 at hindi pinalad na maka-recover kamakailan.

Sa kaniyang Facebook Live nitong Lunes, Marso 15, ibinahagi ni Mayor Vico sa kaniyang constituents na nagpa-test na rin umano siya upang malaman kung nahawaan din siya ng virus.

Screenshot mula sa Facebook Live ni Mayor Vico Sotto

“Sa kasalukuyan, ako po ay naka-quarantine. Nag-COVID-19 test na rin po ako, nag-PCR test po ako kahapon bilang ako ay naging isang close contact,” ayon sa alkalde.

“Strictly susunod po tayo sa mga protocols natin. Hindi muna ako makapapasok sa trabaho at pina-cancel ko muna ang mga appointments at kung maaari ay via Zoom na lang muna,” wika pa ni Mayor Vico.

Dalawang linggo na umano ang nakararaan simula noong last exposure niya sa taong may COVID-19.

Screenshot mula sa Facebook Live ni Mayor Vico Sotto

“Siya po ‘yung driver ko kaya talagang close contact ako, bagama’t sumusunod naman kami sa  mga health protocols,” bahagi pa ng opisyal.

Ipinaabot rin ni Mayor ang kaniyang pakikiramay sa pamilya at kaanak ng kaniyang driver na itinuturing na niyang matalik na kaibigan.

Huli raw niyang nakita ang kaniyang driver nitong Miyerkules bago ito isinugod sa pagamutan.

Dahil dito muling nakiusap sa publiko si Mayor Vico na higit na mag-ingat pa at patuloy na sumunod sa ipinatutupad na health protocols ng gobyerno.

Imahe mula sa Twitter

Nitong Lunes nang hapon ay muling nag-tweet ang alkalde at masayang ibinalita na nagnegatibo ang kaniyang PCR test sampu ng kanilang nakasama sa sasakyan.

“NEGATIVE ang result ng pcr test ko. Negative din ‘yung nakasama namin sa sasakyan. Thank you for your messages and prayers. Let’s all do our part to prevent the spread of this virus and its variants,” wika ng alkalde.

Loading…