McDo, umorder ng 100K doses ng COVID-19 vaccine para sa free vaccination ng mga empleyado

Imahe mula sa McDonald's
  • Mga empleyado ng McDonald’s Philippines libreng pababakunahan ng kumpanya
  • Umorder ng halos 100,000 doses ng AstraZeneca vaccine ang McDo
  • Ang kalahati ng mga bakuna ay ido-donate sa gobyerno

Bumili ng halos 100,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa AstraZeneca ang Golden Arches Development Corporation o mas kilala bilang McDonald’s Philippines dahil sa dedikasyon nito sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga empleyado at bilang pagpapakita ng suporta sa vaccination program ng gobyerno.

Imahe mula sa McDonald’s

Ang kalahati ng mga bakuna ay ido-donate sa gobyerno na ibibigay naman ng Department of Health sa mga mamamayan batay sa priority guidelines.

Naniniwala ang McDonald’s Philippines President and CEO na si Kenneth S. Yang na ang bakuna ang “best bet” ng bansa upang mapagtagumpayan ang pakikibaka kontra sa COVID-19 at maprotektahan ang buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.

“With the health and safety of people being our top priority, we will be providing the COVID-19 vaccine for free for our frontliners–crew and managers, in all company-owned restaurants nationwide. It is our responsibility to keep our people safe so that our customers will be too,” pahayag ni Yang.

Simula pa nang unang ideklara sa bansa ang mahigpit na lockdown ay sumuporta na ang McDo sa T3 (Test, Trace, Treat) program ng gobyerno.

Inilunsad din ng kumpanya ang kanilang M Safe program kung saan inuuna nito ang kaligtasan ng mga empleyado nang sa gayon ay maging ligtas din ang mga customers.

Imahe mula sa McDonald’s

Sa ilalim ng M Safe ay ipinatupad ng McDo ang mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, madalas na paghuhugas ng kamay, pagsunod sa social distancing, pagtatalaga ng Safety Manager at pagpapatupad ng no-touch policy para sa Drive Thru at McDelivery services kabilang na ang cashless payment.

Imahe mula sa McDonald’s

Loading…