MECQ iminungkahing ipatupad sakaling hindi epektibo ang 2-week GCQ sa NCR+ bubble

Screenshot mula sa PCOO video
  • Iminungkahi ng OCTA Research na magpatupad ng MECQ sakaling hindi bababa ang bilang ng COVID-19 cases sa NCR+ bubble pagkatapos ng two-week GCQ
  • Ginawa ng grupo ang mungkahi kasunod ng pag-amin ng Department of Health na ang nangyayaring pagdami ng COVID-19 cases ngayon ay higit pa sa nangyari noong 2020
  • Ayon sa grupo, ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila ay 1.99, na ang ibig sabihin ay ang isang tao na infected ng COVID-19 ay makahahawa ng dalawang tao

Iminungkahi ng OCTA Research group na magpatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) kung sakaling hindi pa rin makontrol ang surge ng  COVID-19 cases sa NCR+ bubble na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan pagkatapos ng dalawang linggo ng general community quarantine (GCQ).

Imahe mula sa Advocate Philippines

Ginawa ng grupo ang mungkahi kasunod ng pag-amin ng Department of Health na ang nangyayaring pagdami ng COVID-19 cases ngayon ay higit pa sa nangyari noong 2020.

Sinabi ni Professor Ranjit Rye na bagama’t umaasa ang grupo na maging matagumpay ang tinatawag na NCR+ bubble, sinabi niya na “very high momentum” ang pagdami ng mga COVID-19 cases na maaaring imposible nang bumaba ang mga kaso sa loob ng isang linggo.

“If we can bring it down to that then maybe the bubble can continue but if we can’t by next week, then we have to think of stricter quarantine classifications,” aniya.

Ayon sa grupo, ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila ay 1.99, na ang ibig sabihin ay ang isang tao na infected ng COVID-19 ay makahahawa ng dalawang tao.

Nanawagan din ang OCTA Research sa gobyerno na bantayan din ang dalawang probinsya na nasa labas ng NCR+ bubble – ang Pampanga at Batangas.

Screenshot mula sa CNNPH

“We’re also seeing an upward trend sa Pampanga and Batangas and actually mabilis ‘yung upward trend nila. So, I think this has to be monitored closely especially since they are outside the bubble. It could be problematic if we contain the virus inside the bubble pero may kumakalat din outside the bubble,” ayon kay professor Rye.

Ang two-week GCQ sa NCR+ bubble ay matatapos sa April 4.

Loading…