Mga Amerikano nasarapan sa lumpia, pancit at adobo

Screenshot mula sa GMA video
  • Pinilahan ng mga Amerikano ang lumpia, pancit at adobo
  • Dahil sa rami ng mga nais makatikim ng lumpia, pancit at adobo ay nilimitahan ang bilang ng maaari nilang kunin upang magkaroon ng pagkakataon ang lahat na matikman ang lutong Pilipino
  • Hindi lang mga Aemrikano ang nawiwili sa mga lutuing Pinoy, maging ang ibang lahi ay nahumaling na rin sa Filipino cuisine

Pumatok sa mga Amerikano ang mga pagkaing tatak Pinoy na inihain sa isang military hospital sa United States para sa pagdiriwang umano ng Asian American Pacific Islanders Heritage month.

Screenshot mula sa GMA video

Ibinahagi ng isang netizen na naninirahan sa America na pinilahan at agad naubos ang mga lumpia, chicken adobo at pancit. Excited raw ang mga Amerikano na muling matikman ang mga lutuing Pinoy na karaniwang inihahanda ng mga Pinoy immigrants sa US.

Ayon sa netizen, parang isang blockbuster movie raw na pinilahan ang mga pagkaing Pinoy. Aniya, halos 45 minutes daw siyang pumila.

Dahil umano sa dami ng mga nais makatikim ng lumpia, pancit at adobo ay nilimitahan na ang bilang ng maaari nilang kunin upang ang lahat ay magkaroon ng pagkakataong matikman ang lutong Pilipino.

Bukod sa tatlong putaheng nabanggit, kasama rin ang lechon sa nakahain at bilang dessert naman ay mango float ang ibinida ng mga Filipino-American cook.

Imahe mula kay Cardi B

Hindi lang mga ordinaryong Amerikano ang nagkahilig sa pagkain sa mga Philippine cuisine kundi maging ang mga celebrities na tulad ng rapper na si Cardi B at Earl Stevens.

Sa sobrang pagkahumaling ni Stevens sa lumpia ay naging co-owner pa siya ng The Lumpia Company na sari-saring variant ng lumpia ang nasa kanilang menu, bukod pa sa ibang putahe tulad ng sisig at chicken skin.

Imahe mula sa The Lumpia Company

Nakilala naman ni Cardi B  ang lumpia, pancit at adobo sa Pinay na asawa ng kanyang uncle.

Inamin din ng aktres na si Drew Barrymore na paborito niya ang lumpia at adobo. Maging ang Hollywood heartthrob na si Zac Efron ay parang isang tunay na Pinoy na nagkakamay pa kapag kumakain ng chicken adobo.

Hindi lang mga Americans ang nahuhumaling sa lumpia, adobo at pancit. Ang English actress na si Florence Pugh ay paborito ang lumpiang shanghai.

Maging ang Thai actor na si Mario Maurer ay nabihag din ng lumpia at adobo.

Imahe mula kay Florence Pugh

Loading…