Mga aso sa Valenzuela lalagyan ng microchip implant para madaling ma-trace kapag nawala

Screenshot mula sa video ni Mayor Rex Gatchalian
  • Sa Valenzuela City ay hindi na problema ang mga asong mawawala dahil madali na silang mate-trace
  • Naglunsad ng programa ang Valenzuela City na lalagyan ng microchip implants ang mga pet dogs
  • Ang microchip implant ay gumagamit ng RFID technology na magsisilbing permanent ID ng mga aso

Maglulunsad ang Valenzuela City ng programa para sa lahat ng mga aso sa siyudad. Kahit mawala ang mga ito ay magiging madali na para sa mga may-ari na mahanap ang kanilang mga pet dogs.

Screenshot mula sa video ni Mayor Rex Gatchalian

Sa ilalim ng ValPets o Valenzuela City Pets Apps, ang mga aso sa siyudad ay lalagyan ng microchip implant upang madali silang ma-trace sakaling maligaw ang mga ito. Mayroong radio frequency identification ang microchip na magsisilbing permanent ID ng mga alagang aso.

“In the event that their pets go missing, personnel from the City Veterinary Services Office will only have to scan the microchip implant to see their owners and other details. The details of the missing dogs will then be posted on valpets.appcase.net website, where pet owners can visit if their pets go missing,” ayon sa Valenzuela City.

Maaaring personal na kunin ng may-ari ang nawawala nilang alagang aso sa city veterinary office. Puwede rin namang i-deliver sa bahay ng may-ari kung sakaling hindi niya makuha sa veterinary office ang alaga pero may babayarang delivery fee sa pamamagitan ng PayMaya.

Kung hindi kinukuha ng may-ari ang nawala niyang aso ay ipaaampon iyon sa iba.

Screenshot mula sa video ni Mayor Rex Gatchalian

“In case pet owners cannot claim their pets, they will be open for adoption,” ayon pa sa city government.

Ang registration para sa libreng microchip implant ay magsisimula sa March 13, 2021.

Screenshot mula sa video ni Mayor Rex Gatchalian

Sana sa ibang LGU o bayan ay magkaroon din ng ganito ano?

Loading…