Mga lumang cellphone hindi compatible sa technology ng DITO Telecommunity

Imahe mula sa Lazada
  • Opisyal nang inilunsad ng DITO Telecommunity ang mobile services nito
  • Hindi lahat ng klase ng cellphones ay maaaring gumamit ng DITO SIM card
  • Masyadong high-tech ang sistema ng DITO na puwede lang gamitin ng mga piling modelo ng mga smartphones

Opisyal nang inilunsad ng third telco company na DITO Telecommunity ang mobile services nito noong Lunes, March 8, pero hindi lahat ng mobile phones ay puwedeng gumamit ng SIM card nila dahil sa compatibility issue.

Imahe mula sa DITO Telecommunity

Masyadong high-tech ang sistema ng DITO na puwede lang gamitin ng mga piling modelo ng mga smartphones.

Naglabas ang kumpanya ng isang partial list ng mga smartphones na compatible sa SIM card nila. Ang mga cellphone models na wala sa listahan ay posible umanong makaranas ng “unforseen technical issues.”

Kabilang sa partial list ang latest models ng Korean phone na Samsung, Huawei Technologies Group Co. Ltd ng China, TCL, Oppo at Vivo. Sa local brands ay kasama ang MyPhone at Cherry Mobile.

“The compatibility list, those models that we’re included in our compatibility list have undergone a collaborative test with the manufacturers of their compatibility to our network. Because this is collaborative, we are assured that the manufacturers are confident that the brands have undergone this testing are 100 percent compatible,” paliwanag ng DITO chief technology officer na si Rodolfo Santiago sa hearing na ginawa ng Senate Committee on Public Services.

Imahe mula sa DITO Telecommunity

Ayon sa  Democracy.net.ph, isang ICT advocacy group na inatasan ng nabanggit na senate committee para magsagawa ng assessment sa DITO kasunod ng official launching ng mobile services nito, ang compatibility issue ng DITO ay dahil wala itong 2G frequencies.

“Phones that are older than 2014, 2015 about that time, will probably not be compatible because they do not carry a technology known as voice-over LTE, but the smartphones that are newer now have that technology,” ayon kay Engineer pierre Tito Galla ng Democracy.net.

Aniya, marami pa sa mga Pinoy, lalo na sa mga probinsya, ang gumagamit ng mga lumang cellphones tulad ng Nokia 3210 at 3310 na kadalasang ginagamit din ng mga sari-sari store sa loading business.

Imahe mula sa DITO Telecommunity

Loading…