Mga menor-de-edad sa Metro Manila bawal na ulit lumabas ng bahay

  • Bawal na uling lumabas ng bahay ang mga edad 17 pababa sa Metro Manila
  • Kasunod ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa
  • Hindi rin sila maaaring bumiyahe pati na ang edad 65 pataas

Ipinagbabawal na uling lumabas ng bahay ang mga menor-de-edad sa Metro Manila simula sa Miyerkules, Marso 17 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID.

Sa pahayag na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabi rito na nagkasundo ang lahat ng 17 alkalde sa National Capital Region (NCR) na pagbawalan munang mamasyal ang mga kabataang edad 17 pababa.

Screenshot mula sa ANC

“We are implementing age restrictions because of the increase in our Covid-19 cases,” ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos Jr.

“We encourage everyone to strictly observe and practice the minimum health protocols, and be extra careful and follow stringent measures particularly when around vulnerable family members, as there have been reports of transmission among family members,”

Nauna nang ipinatupad sa NCR noong Lunes, Marso 15, ang uniform curfew simula 10 pm hanggang 5 am upang pigila ang patuloy na paglobo ng kaso ng COVID sa bansa. Ito ay magtatagal hanggang sa katapusan ng buwan, Marso 15.

Bawal din ang domestic travel

Bawal na rin muna ang pagbiyahe para sa mga batang edad 17 pababa at mga matatandang nasa 65 anyos pataas ayon naman sa National Task Force Against COVID-19.

Sa panayam sa Teleradyo kay Task Force Spokesperson  Sec. Restituto Padilla, sinabi ng opisyal na hindi na muna pahihintulutang bumiyahe ang mga nasa nabanggit na edad upang maiwasan ang hawaan.

Imahe mula sa Gulf News

“Walang paghihigpit sa domestic movement maliban po sa mga bata. Meron na pong anunsiyo na paghihigpit po at ibabalik po natin ang pagbabawal sa lahat ng 17 years old and below. At ganun din po sa 65 years old and above,” paliwanag ng kalihim.

Isang taon na simula nang unang ipatupad sa Metro Manila ang pinakaunang lockdown dahil sa pagdedeklara noon ng COVID-19 bilang isang pandemya.

Base sa pinakahuling datos ng DOH, pumalo na sa 631,320 ang kabuuang kaso ng COVID sa bansa matapos itong madagdagan ng bagong 4,437 kaso nitong Martes, Marso 16; 57,5736 rito ay nananatiling active cases.

Loading…