Mga militar at pulis planong i-deploy ulit sa kalye para magpatupad ng health protocols

Public domain image
  • Tinitingnan ng pamahalaan ang posibilidad na muling magpakalat ng militar at pulisya sa mga lansangan upang magpatupad ng mahigpit na health protocols
  • Marami na raw ulit ang mga nag-iinuman at nagpa-party sa gitna ng muling paglobo ng mga bagong kaso ng COVID-19 infections
  • Target ng gobyerno na mabakunahan ang 70 milyong mga Pinoy para makamit ang herd immunity bago matapos ang taon

Sa gitna ng pagsipa ng bilang ng mga bagong COVID-19 cases sa buong bansa, tinitingnan ng pamahalaan ang posibilidad na muling magpakalat ng militar at pulisya sa mga lansangan upang magpatupad ng mahigpit na health protocols.

Public domain image

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, napansin umano nila na nagiging kampante na ang maraming mamamayan kaya binabalak nilang ibalik ang mga awtoridad sa mga lugar kung saan nagkukumpulan ang mga tao.

“Nakita namin nag-relax sa minimum health standard ‘yung mga kababayan natin,” wika  ni Sec. Galvez.

Aniya, marami na raw ulit ang mga nag-iinuman at nagpa-party sa gitna ng muling paglobo ng mga bagong kaso ng COVID-19 infections.

“‘Yung mga pulis at saka military, p’wede ulit nating i-disperse sa mga convergent areas,” ayon pa kay Sec. Galvez.

Ang hakbang na ito ay pinag-aaralan ng gobyerno habang patuloy ang pagbabakuna sa mga mamamayan upang maabot ang tinatarget na herd immunity o ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga mamamayang nabakunahan upang maputol na ang pagkakahawaan ng COVID-19.

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 70 milyong mga Pinoy para makamit ang herd immunity bago matapos ang taon. Nangangahulugan daw ito ng 300,000 hanggang 500,000 na mababakunahan kada araw.

Screenshot mula sa GMA video

Ayon kay Sec. Galvez, posibleng magawa ito kung steady ang supply ng COVID-19 vaccine.

Sa kabila ng COVID-19 surge, sinabi ng Palasyo na hindi kaya ng gobyerno na bumalik sa mahigpit na klasipikasyon ng community quarantine. Mas mainam umano na localized lockdown ang ipatupad ng mga local government units.

“‘Yung kalye, ‘yung bahay, ‘yung compound na merong maraming sakit, i-lockdown n’yo na po ‘yan dahil iyan po talaga ang ating istratehiya ngayon dahil sa totoo lang po hindi na po natin kaya na mag-lockdown ang ating ekonomiya dahil napakadami na pong nagugutom,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Imahe mula sa PCOO
Source :

GMA , MSN

Loading…