Mga natatanging “words of wisdom” ni Toni Gonzaga

  • Nagkaroon ng kompilasyon ang isang netizen sa mga “words of wisdom” ni Toni Gonzaga-Soriano
  • Si Toni ay kilala sa tawag na “Ultimate Multimedia Star”
  • Marami naman sa mga netizens ang natuwa rito

Isa na yata sa mga pinakamatatagumpay na celebrity sa Pilipinas si Toni Gonzaga-Soriano na tinaguriang “Ultimate Multimedia Star” dahil lahat ng kaniyang mga larangang pinaosk ay naging matagumpay: mula sa pagiging mahusay na TV host, actress, singer, endorser, at social media influencer.

Bilang vlogger, marami ang natutuwa sa kaniyang mga content dahil maraming napupulot na “words of wisdom” ang mga netizens mula sa kaniya. Iyan ang inipon sa Facebook page na “Kapamilya Online World” kung saan inihalintulad pa siya kay Emma Watson. Ang orihinal na kompilasyon ay nagmula umano sa isang netizen na nagngangalang “Beaux Riego Montefalco.”

Imahe mula sa Kapamilya Online World / Facebook account ni Beaux Riego Montefalco

May iba-iba ngang pananaw si Toni sa mga paksa o usapin. Marami ang humahanga at napapa-sana all dahil naghintay siya ng tamang panahon pagdating sa taong mamahalin at makakasama niya hahambuhay, at iyan nga ang direktor na si Paul Soriano.

“You will never be too much for the right person because he will never see you the way other see you,” saad niya. Isa pang tumatak sa publiko ay ang “I think love and friends are two things that you don’t chase. True love and true friends come.”

Para naman sa ating mga plano o balak sa buhay, mayroon din siyang pananaw rito.

“Sometimes, God will destroy our plans when He sees our plans is going to destroy us,” saad niya. Isa pa rito ang “It may hurt now to wait but it will always be more ever you dreamed of if you remain patient.”

Imahe mula sa Kapamilya Online World / Facebook account ni Beaux Riego Montefalco

Para naman sa mga failures sa buhay, mayroon din siyang maipapayo.

“It’s about not giving up. Trying to pick yourself up after every fall.” Nariyan din ang “When people tell you’re not good enough, don’t mind them.”

At syempre, may payo rin siya sa mga taong nagnanais na mapaunlad at malinang pa ang kani-kanilang mga sarili.

“Enjoy your youth but do not destroy your future.”

“It’s never too late to know who you really are. Embrace yourself and the world will embrace you. And if others can’t stand your light, hand them some shades.”

Imahe mula sa Kapamilya Online World / Facebook account ni Beaux Riego Montefalco

At maraming-marami pa. Upang mas makarinig pa ng mg words of wisdom, maaaring mag-subscribe sa kaniyang YouTube Channel.

Loading…