Mga nurses pagod na at nanlulumo sa paglobo ng COVID: “Nakakawala na ng pag-asa”

Imahe mula sa Tribune
  • Pagod na at nawawalan ng pag-asa ang nurses dahil sa paglobo ng COVID
  • Nanawagan rin sila sa pagbibitiw ni Health Sec. Francisco Duque
  • Gayun pa man, wala pa umano silang planong muling humiling ng ‘timeout’

Pagod na at nanlulumo ang mga nars sa bansa dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng COVID-19 cases na kamakailan lamang ay pumalo na sa halos 8,000 libo sa loob lamang ng isang araw na siyang pinakamataas na naitala simula nang ldekalra ang pandemya.

Ayon sa grupong Filipino Nurses United (FNU), mas lumala pa ngayong taon ang sitwasyon at ramdam nila ito dahil sa patuloy na pagdami ng isinusugod sa mga ospital kada araw.

“Nakakawala na ng pag-asa, nakakawalang-gana…marami na ring nag-abroad, ‘di naman natin sila masisisi. Throughout the year naman marami kaming mga calls pero wala namang natutugunan talaga ang government,” ani FNU National Treasurer Jaymee De Guzman sa panayam ng Teleradyo.

Jaymee De Guzman| Screenshot mula sa Teleradyo

“And now eto na naman, boom… mas mataas pa po ang bilang kesa sa mga nauna,” dagdag pa ni De Guzman.

Nanawagan rin ang grupo sa pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque III upang mapalitan umano ng isang mas ‘competent’ na kayang solusyunan ang krisis sa kalusugan sa bansa.

Kaugnay nito, hiling rin ng FNU na sana ay magbigay-daan ang mga itinalagang uniformed personnel sa mga medical experts na may kakayahan at sapat na kaalaman sa pandemic response.

Gayunpaman, wala pa raw sa plano ng mga nurses na muling humiling ng ‘timeout’ tulad ng ginawa nila noong Agosto nang nakaraang taon kung kailan napuno ang mga hospital sa dami ng mga pasyente.

Subalit nanawagan ang grupo ng suporta mula sa gobyerno upang hindi na ito muling mangyari.

Imahe mula sa RMN

“Ang kailangan lang namin support ng government. Paigtingin ang mga curfews, dagdagan ang mga testing, at ang contact tracing palawigin natin,” wika ni De Guzman.

Sa isang hiwalay na pahayag, nanawagan rin ang grupo sa pamahalaan na sana ay repasuhin nito ang ginagawang COVID response dahil tila hindi ito epektibo.

“We refuse to be sacrificial lambs to this pandemic. We are humans and we need to be cared for. We should be saved from this national calamity and public health disaster,” ayon sa FNU.

Ang lumalabas raw kasi ngayon ay sila na mga nurses, doctor at health workers, ay biktima mismo ng isang government COVID-19 response na tinawag nilang “generally inefficient and mismanaged”.

Loading…