Mga residente ng Gibraltar maaari nang walang face mask sa mga pampublikong lugar

  • Maaari nang magtanggal o mag-alis ng face mask ang mga taga-Gibraltar kapag nasa pampublikong lugar
  • Iyan mismo ay nagmula sa kanilang pamahalaan dahil sa 10 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 at lahat ay nabakunahan na
  • Napa-sana all na lamang ang mga Pinoy netizen sa balitang ito

Tuwang-tuwa ang mga residente ng Gibraltar nang sabihin ng kanilang pamahalaan na maaari na silang magtanggal ng kanilang mga face mask, kapag sila ay nasa mga pampublikong lugar, dahil sa matagumpay na vaccination campaign nila.

Lahat ng kanilang mga residente, lalo na ang mga adult population, ay nakatanggap na ng libreng bakuna. Ligtas na umano ang paglalakad sa mga pampublikong lugar kahit walang suot na face mask.

Public Domain Image

Bagama’t pinapayagan na sa mga pampublikong lugar kung saan ay malayang umiihip ang hangin,  compulsory pa rin ang pagsusuot ng face mask kapag nasa pampublikong transportasyon at shops.

Masayang-masaya naman ang mga residente sa nangyaring ito, na kahit paano ay unti-unti na silang bumabalik sa normal.

“It’s nice getting back to normal… and just seeing people enjoying themselves again and hopefully safely so we can keep the numbers down,” wika ng isa.

“Workers are coming back over the border which is excellent, so let’s move on and we can be a test case for the rest of the community and worldwide,” pahayag naman ng isa.

Subalit hindi lahat ay kampante nang mag-alis ng kanilang face mask, gaya ng turistang Espanyol na si Desire Gimenez, 27 anyos.

Aniya, “The truth is I don’t feel completely safe. We haven’t got used to it. Even though I know they’ve been vaccinated, I at least will continue to wear a mask.”

Public Domain Image

Ang Gibraltar ay isang British Overseas Territory na matatagpuan sa southern tip ng Iberian Peninsula. Ito ay may sukat na 6.7 km2 (2.6 sq mi) at ang border ay nasa hilagang bahagi ng Espanya.  Ang landscape nito ay nadodomina ng Rock of Gibraltar, at ang populasyon ng mga naninirahan dito ay nasa 32,000 lamang.

Loading…