Mga senador naalarma sa paglobo ng COVID-19 cases; Palasyo sinabing walang dapat ipangamba

Imahe mula sa Senate of the Philippines
  • Naalarma ang mga senador sa muling paglobo ng bilang ng mga bagong COVID-19 cases
  • Kailangan umano na maghigpit sa pagpapatupad ng health protocols
  • Sinabi naman ng Palasyo na walang dapat ipangamba dahil nag-improve na ang kapasidad ng health care sa bansa 

Naalarma ang mga senador sa pagtaas na naman ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan

Nanawagan sila para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng health protocols, pagsasagawa ng information campaign at pabilisin ang delivery ng COVID-19 vaccines upang mapigil ang paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.

Sinabi ni Senate President Tito Sotto na naging kampante na umano ang mga Pilipino kaya kailangan ang mas mahigpit na implementasyon ng mga health protocols.

Dahil sa COVID-19 surge, sinabi ni niSen. Sotto na hindi ligtas na ilagay ang bansa sa pinakamaluwag na klasipikasyon ng community quarantine – ang modified general community quarantine, tulad ng iminungkahi ng mga Metro Manila mayors at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon naman kay Sen. Grace Poe, dapat tugunan ang COVID-19 surge sa pamamagitan ng  mabilis na pagbabakuna sa mga health workers at iba pang priority groups.

Aniya, dapat mas mabilis ang vaccination kaysa sa pagkalat ng virus.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

“We should vaccinate faster than the virus can spread. The challenge is to speed up and harmonize processes to ensure that all Filipinos will have an access to the vaccine to banish COVID-19 and help steady the economic ship,” ayon kay Sen. Poe.

Sina Sen. Panfilo Lacson at Sen. Sonny Angara ay nagpahayag din ng pagkabahala sa muling pagdami ng COVID-19 cases.

Kaugnay ng mga pangamba sa COVID-19 surge, sinabi ng Malacañang Palace na hindi dapat mag-panic ang publiko. Ito ay dahil nag-improve na umano ang kapasidad ng health care ng bansa.

Imahe mula sa PCOO

“Dapat bang mag-panic? Hindi po. Bakit? Dahil nga nung tayo po ay nagsarado para i-improve ang ating kakayahan para gamutin ang seryosong magkakasakit na-improve po natin ‘yung health care capacity natin,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Loading…