Mga senador nanawagan na magdeklara ng state of national emergency dahil sa epekto ng ASF

Imahe mula sa PNA
  • State of national emergency dapat ideklara dahil sa epekto ng ASF sa hog industry, ayon sa mga senador
  • Sa pamamagitan ng isang resolusyon ay nanawagan ang mga senador sa DA na himukin si Pang. Duterte na magdeklara ng state of emergency sa buong bansa
  • Sa ilalim ng state of national emergency, ang pamahalaan ay maaaring maglaan ng pondo para sa mga hog raisers na apektado ng ASF

Nanawagan ang mga senador sa Department of Agriculture (DA) na himukin si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng state of national emergency kaugnay ng epekto ng African Swine Fever (ASF) sa mga babuyan at presyo ng mga karneng baboy sa mga pamilihan.

Imahe mula sa PNA

Nagpasa ng resolusyon ang Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform na naghihikayat sa DA na himukin ang Pangulo na magdeklara ng state of emergency sa buong bansa dahil sa kahihinatnan ng ASF.

Paliwanag ni Senator Cynthia Villar, sa ilalim ng state of national emergency, ang pamahalaan ay maaaring maglaan ng pondo para sa mga hog raisers na napilitang magsagawa ng depopulation sa kanilang mga alagang baboy upang mapigil ang pagkalat ng ASF.

“We are urging the DA to ask the Office of the President to declare a state of emergency against African Swine Fever, so we can allocate more funds to solve the problem,” sabi ni Sen. Villar, ang chairman ng committee.

Ayon sa mga senador, ginawa nila ang resolusyon dahil dismayado sila sa liit ng halaga na inilaan ng DA para sa programa nito na labanan ang ASF at tulungan ang mga apektadong hog raisers.

“The public emergency declaration will now address the miniscule funds allocated by the DA for solving ASF problems. The tariffs collected from the imports could also be added to the fund under the public emergency,” sabi ni Sen. Francis Pangilinan.

Suportado naman ng DA ang ginawang proposal ng mga senador at  nangakong susundin ang resolusyon ng mga nito.

Imahe mula sa Agriculture Monthly

Loading…